PART THREE: IT’S NOT YOU, ISAIAH Chapter 61 – Kiss in the Museum Pumunta ako sa kabilang shelf dahil wala dito ang hinahanap kong libro. I run my fingers on every edge of the books. Sa kabilang kamay ko naman ay ang maliit na piraso ng papel kung saan nakasulat ang pamagat ng libro na kinakailangan ko. I read the story on internet and I find it peculiar. The way the writer narrates the story is very intriguing and flawless. Gustong-gusto kong bumili ng hard copy para i-display sa kwarto ko dahil kapag nalulungkot ako ay titignan ko lang ito na naka-display. Then I will be happy. Ganyan ang epekto sa’kin sa istoryang iyon. Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nito sa sistema ko. I’ve read a lot of novels online. Yung iba ay maganda naman, pero hanggang doon lang.

