Chapter 63 – Cold Water “Huy, Alegres! Ano na naman ang nakain mo?” Binatukan agad ako ni Irsten matapos kong magtanong sa kanilang dalawa ni Inspector Ches. Napangisi na lang sa’kin si Inspector Ches at napailing sa ulo. What the heck? “Aray naman,” daing ko. I tried to shield myself from another attack pero walang epek na iyon dahil pinaghahampas na niya ang katawan ko gamit ang kaniyang Chanel purse. “Ano ba, Irsten. Tama na kasi!” Kinuha ko ang kanyang malakandilang kamay at itinaas ito dahilan para matigilan siya. What’s this? Ano na naman kaya ang iniisip nito? Natatawa kong tinignan ang nanlalaki niyang mga mata. She really looks like Irene from the past. How about her feelings to me? Gano’n pa rin kaya? In my peripheral view, nakita kong nagmamasid si Inspector Ches sa aming d

