ARIYAH was trying to ignore what Zoey told her. Kilalang-kilala niya kasi si Zoey, alam niya na gagawin nito ang lahat para lang masira silang dalawa ni Chase. Isa pa, gusto niyang ibigay ang buong tiwala niya sa asawa. Kung mayroon man itong dapat na sabihin ay alam niyang sasabihin naman nito iyon sa kaniya. “May problema ba? Bakit ang tahimik mo?” salubong ang kilay na tanong sa kaniya ni Chase. Kasalukuyan na silang nakasakay sa sasakyan nito at inaya siyang kumain sa labas. At dahil madalas silang kumain sa mismong hotel ay parang nagsawa na ito kaya nag-aya naman ito sa ibang restaurant. “Wala naman, marami lang kasi akong iniisip tungkol sa darating na exhibit,” pagsisinungaling naman niya. Ayaw naman kasi niyang sabihin dito kung ano man ang sinabi sa kaniya ni Zoey. Ayaw niyan

