“ARIYAH, come here,” tawag sa kaniya ng ina ni Chase. Nakangiti namang lumapit si Ariyah. “Naparakami nang interesado sa mga paintings mo, ano ba sa palagay mo, ipa-bidding na ba natin?” “I’m not sure po kung worth it po bang ipa-bidding,” napapakamot ng batok na tanong niya pero ang totoo ay nahihiya lang siya. “Ano ka ba? Ang gaganda ng mga gawa mo kaya nga marami na ang interesado. So, kung papayag ka, mag-a-arranged tayo ng bidding, pero hindi pa sa ngayon, sigurado kasing marami pang pupunta at kailangan makita muna ng lahat ang mga gawa mo bago tayo mag-announce ng bidding,” paliwanag naman nito. “Sasali rin naman ang Hotel Strata sa bidding,” singit naman ni Chase kaya gulat siyang napatingin dito. “At kung mananalo ang Hotel Strata, dito lang din naman sa buong hotel makikita an

