Chapter 03

1898 Words
NAGISING si Ariyah dahil sa kakaibang sakit na nararamdaman niya sa pagitan ng mga hita niya at dahil na rin sa sakit ng ulo niya. Sa sobrang kalasingan niya nanaginip pa siyang may nangyari sa kanilang dalawa ni Zac kagabi. “Chase, baby, I’m Chase.” Biglang nag-echo sa pandinig niya ang boses na iyon kaya mabilis na napadilat ang mata niya. Bakit pakiramdam niya ay hindi naman panaginip ang lahat? Wala namang tao sa tabi niya pero kitang-kita niya roon ang blood stain na tanda na totoong may nangyari kagabi. Dahil hindi niya malaman kung anong gagawin ay napayakap siya sa sarili niya. Gusto niyang umiyak pero hindi niya mailabas. Pakiramdam niya ay na-rape siya pero paano siya mare-rape eh sa naaalala nga niya siya pa ang nag-seduce sa lalaking nasa tabi niya. Isa lang ang naiisip niya. Kahit pa nga masakit pa ang kaselanan niya ay bumangon na siya sa higaan para magbihis at agad siyang bumaba sa receptionist at nagtanong kung paanong may nakapasok na ibang lalaki sa suite na ipina-reserved ni Zac para sa kaniya. “Miss, bakit may ibang lalaking nakapasok sa suite ko kagabi?” Galit na bungad niya sa receptionist nang makalapit siya at nanlaki ang mata nito sa tanong niya. “Can you elaborate more about your problem, Ma’am?” Parang naguguluhan pang tanong nito. “Okay, Miss, let me explain to you,” Huminga muna siya ng malalim dahil ang totoo ay gusto niyang magtimpi. Pero sa laki nga naman ng Hotel Strata at sa dami ng guest doon ay mahihirapan nga itong intindihin ang sinasabi niya. “Last night, may hindi kilalang lalaki na nakapasok at natulog sa suite na ini-reserved ng fiancé ko para sa ‘kin. Anong klaseng system ba ang mayroon kayo rito?” mahina pero mariin na tanong niya rito. “Okay, Ma’am, wait, i-endorse ko po kayo sa manager namin for further details of your problem,” mahinahon namang wika nito pagtapos ay kinuha nito ang intercom nito at may kung sinong tinawagan pero sa tagal ay mas lalong nag-iinit ang ulo niya. “This way po, Ma’am,” aya nito sa kaniya pagtapos ay pumasok sila sa pinto na nasa likod ng reception area. “Ma’am, siya po ‘yong babaeng sinasabi ko sa inyo,” wika ng receptionist na kausap niya kanina. “Maupo muna kayo, Ma’am, para mai-discuss natin ‘yong problema na sinasabi ninyo,” wika nito. “Alam niyo wala akong planong makipag-pormalan sa inyo! Gusto kong malaman kung bakit may ibang lalaking nakapasok sa kuwarto ko.” “Naiintindihan po namin, Ma’am,” mahinahon pa ring sabi nito. “Anong room po ba kayo kagabi?” “Room 1609,” mabilis namang sagot niya at parang nagulat ang dalawang nasa harapan niya at nagkatinginan pa sila. “That was Sir Chase’ room, right?” paniniguro pa nito sa receptionist na nakatayo lang doon at sunud-sunod naman itong tumango. At kung hindi siya nagkakamali iyon ang pangalan ng lalaking kasama niya kagabi dahil iyon lang naman ang paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig niya. “Hindi ko alam ano exact ang nangyari, Madam, kasi hindi naman po ako ang duty kagabi,” paliwanag ng receptionist sa manager nito. “So, ang ibig niyong sabihin fault niyo talaga ang nangyari? Paanong ako ang napunta sa kuwarto ng lalaking ‘yon samantalang ang sinabi ko sa receptionist ninyo kagabi ay my room was reserved under the name of Mr. Charles Sebastian!” “Charles was the first name and Sebastian was the last name?” tanong nito habang may kung anong tinitipa sa computer na nasa harapan nito. At nagpakunot ang noo niya nang makitang napatapik ito sa noo nito pagtapos ay seryosong tumingin sa kaniya. “Okay, Ma’am, we are really sorry because this fault was really made by our receptionist. Last night kasi may babae ring ibinilin si Sir Chase sa staff namin, at dahil sinabi mo na your room was with Mr. Charles Sebastian ang akala ng staff namin ay ikaw ang tinutukoy ni Sir Chase because his first name was Charleston Sebastian but the last name was Chavez. Pero huwag po kayong mag-alala dahil gagawin namin ang lahat para mabigyan ng punishment ang receptionist na nagkamali rito.” At doon an tuluyang nag-init ang ulo niya. “Punishment? How could you say na punishment lang ang ibibigay niyo sa staff ninyo eh napakalaki nang nawala sa ‘kin!?” Sa sobrang galit na nararamdaman niya ay gusto niyang maiyak. “Ang ganda-ganda ng image nitong Hotel Strata tapos may mga ganito palang nangyayari dito!” “Ma’am, we are really sorry. But can you please tell us kung ano po ba ang nawala sa inyo nang sa gano’n ay mapalitan namin or makapag-investigate kami.” Nagulat siya sa tanong nito kaya natigilan siya. “This was the worst hotel service I’ve ever experience!” Galit na sigaw niya rito. “Marked my word dahil babalikan ko kaya and I will sue this hotel for negligence!” Saka siya tumalikod at pabagsak na isinara ang pinto. “Alam mo kung sinong receptionist ang nagkamali kagabi, we need to fire her bago pa malaman ni Sir Chase ang nangyari!” Galit na utos din ni Nina na siyang manager ng Hotel Strata. “Yes po, Ma’am,” sagot naman ng receptionist saka lumabas na rin ng opisinang iyon. Nang makabalik si Ariyah sa room ay mabilis lang na iniligpit ang mga gamit niya na nasa suite ni Chase saka mabilis na umalis doon. Ni ayaw nga niyang tingnan ang kama dahil naaalala lang niya lahat ng nangyari kagabi. Hindi niya matanggap sa sarili niya ang kapabayaan niya, iyong ilang taon niyang iningatan nawala lang niya ng ganoon kabilis. Hindi na niya namalayan ang pagpatak ng luha niya. Dirediretso lang siya hanggang sa makalabas ng hotel, sinubukan pa siyang habulin ng mga staff ng hotel pero hindi na siya nagpapigil. Sumakay lang siya ng taxi para makauwi sa kanila, habang nasa sasakyan ay panay lang ang iyak niya. Ni hindi niya alam kung kanino ba niya dapat sabihin ‘yong nangyari at kung paano nga ba niya tototohanin ang pagsasampa niya ng kaso kasi siguradong siya lang din ang mapapasama kung gagawin niya iyon. Magagalit sa kaniya ang mga magulang niya at baka mas lalong magalit sa kaniya ang Mommy ni Zac. At lalong hindi niya alam kung ano ang magiging reaction nito sa nangyari. “Ma’am, nandito na po tayo,” pukas ng driver sa kaniya at doon lang siya naging aware sa paligid niya. Nagbayad lang siya saka bumaba at diretsong pumasok sa loob ng bahay nila. Nasa sala ang Mama at Papa niya at kahit hindi niya tinitingnan ang mga ito ay alam niyang nagulat ito sa pagdating niya. “Oh, Ariyah, akala ko ay hanggang mamayang gabi pa kayo roon,” salubong nito sa kaniya pero hindi siya sumagot at diretso lang siya sa kuwarto niya. “Ma, kapag tinanong ni Zac kung nagpunta ba ako sa hotel ang sabihin niyo hindi ha,” walang ganang sabi niya rito dahil sumunod ito sa kaniya hanggang kuwarto niya. “Oh, bakit?” nagtataka namang tanong nito. “Basta, hindi naman kasi sila nakauwi sa oras, at ayokong isipin niya na pinag-aksyahan ko pa ng oras ang pagpunta ko sa hotel,” pagdadahilan naman niya rito at kahit naguguluhan ay tumango na lang ito sa kaniya. “Saka baka kasi sabihin ng Mommy ni Zac, excited na excited naman akong makita ang anak niya.” “Sabagay, tama ka, anak, dapat hindi mo ipakita sa kaniya na patay na patay ka sa anak nila,” pagsang-ayon naman nito sa kaniya. “Sige na magpahinga ka muna, mukhang wala kang tulog magdamag,” usal nito saka mabilis na lumabas ng kuwarto niya. Maghapon siyang nagmukmok sa kuwarto niya, ni hindi nga siya lumabas kahit isang beses lang para kumain. Ilang beses din tumunog ang cellphone niya dahil sa tawag ni Zac pero hindi niya iyon sinagot. Maya-maya ay kumatok ulit ang Mama niya at dahil hindi naman naka-lock iyon ay pumasok na rin ito. Nakasandal lang siya sa headboard ng kama niya at nakayakap sa mga tuhod niya nang datnan siya nito. “Anak nandyan si Zac at hinahanap ka. Kanina pa raw siya tawag nang tawag sa ‘yo pero hindi ka sumasagot,” bungad ng Mama niya sa kaniya. “Papapasukin ko na, ha,” paalam pa nito pero wala talaga siyang gana na sumagot. Ilang sandali lang mula nang lumabas ang Mama niya ay pumasok na rin si Zac. “Love, alam ko naman na galit ka sa ‘kin, eh,” malambing na wika nito sa kaniya. Oo, nagtatampo siya rito pero mas malaki ang galit niya ngayon sa sarili niya pero ni wala man lang siyang mapagsabihin ng nararamdaman niya. “Uy, love,” pamimilit pa rin nito sa kaniya dahil ni hindi niya man lang ito tinitingnan. Natatakot kasi siyang tumingin dito dahil baka mabasa nito na may tinatago siya o baka bigla na lang siyang umiyak. “Masama lang pakiramdam ko ngayon, Zac,” wala pa ring ganang wika niya. Pagtapos ay pinasadahan siya ng tingin nito at agad na kinuha ang palad niya. “Oo nga, bakit namumutla ka? Saka ang lamig ng kamay mo,” nag-aalalang wika nito na parang hindi na naaalala ang nangyaring pang-indian nito sa 10th anniversary nila. Partly ay kasalanan din naman nito ang nangyari. Kung dumating sana ito sa tamang oras hindi siya maglalasing mag-isa, kung Zac Sebastian at hindi Charles Sebastian ang ginamit nitong pangalan hindi siya mapupunta sa ibang kuwarto. “Love, kibuin mo naman ako,” patuloy na pakiusap nito sa kaniya. “Oh, ito na sige na para hindi ka na magalit. Dapat talaga surprise ko sa ‘yo ‘to, eh,” wika nito pagtapos ay naglabas ng isang maliit na kahon at agad na binuksan iyon sa harapan niya. “This is my gift for our 10th anniversary, at nakausap ko na rin si Dad tungkol sa gaganaping engagement party natin,” excited na wika nito. Pero hindi siya makaramdam ng excitement kung hindi mas lalo siyang nagi-guilty dahil sa nangyari. “Deserve ko ba ‘to, Zac?” hindi mapigil na tanong niya rito habang isinusuot nito sa daliri niya ang engagement ring na iyon. “Of course!” mabilis namang tugon nito. “The engagement party will happen next month on my birthday, gusto ko kasi sobrang espesyal sa atin ng engagement party natin at sa Hotel Strata natin gaganapin ang party. Kanina ay nakapagpa-reserved na rin ako para sa pinakamalaking venue nila. Nalaman ko kasi na hindi ka pala pumunta sa room kagabi kaya alam kong nagtatampo ka talaga sa ‘kin kaya ito at napilitan na ‘kong sabihin sa ‘yo ‘tong plano ko,” naiiling pang wika nito. “Bakit sa Hotel Strata na naman?” hindi mapigil na tanong niya rito, sa dami ng sinabi nito ay iyon lang ang rumehistro sa utak niya. “Ah, eh kasi, magkakaroon si Dad ng business partnership with the Chavez at gusto niya magkaroon kami ng kahit kaunting experience sa mga services nila para hindi mahirapan si Dad na mapa-approved ang business proposal niya. No worries, I will soon introduce you to Mr. Chase Chavez.” Parang bomba sa pandinig niya ang pangalang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD