“SIGURADO ka ba talaga na hindi buntis si Ariyah?” hindi makapaniwalang tanong ni Zoey sa kaibigang doctor na si Dave. “Yes, base sa mga result na dala mo ay hindi siya buntis,” sagot naman nito habang nakatingin pa rin sa result ng mga laboratory ni Ariyah. “None of these results having trace of pregnancy.” “So, ang ibig mong sabihin nagsisinungaling lang siya sa aming lahat?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Pinikot niya si Chase dahil sa isang kasinungalingan!” “Yeah, parang gano’n na nga pero hindi pa rin naman tayo sigurado kung anong nangyari kaya hindi ka pa rin dapat mag-conclude.” “Dapat lang na malaman ‘to ni Chase. Hindi pwede na magsinungaling lang siya habang buhay kay Chase. Hindi ko na pala kailangan gumawa ng paraan para masira ang tiwala nila sa isa’t isa dahil itong

