NASA private plane na si Ariyah at Chase papuntang Isla Chavez. Kahit paano nabawasan na ang bigat sa dibdib niya nang dahil sa nasabi na niya rito kung ano ang totoo at pati na rin kung ano ang totoong nararamdaman niya. Ngayon lang dumating sa buhay niya na wala siyang pinagsisisihan. At baka nga mas pagsisihan pa niya kung hindi niya nasabi kay Chase kung ano ang totoong nararamdaman niya. “Okay ka lang?” tanong nito sa kaniya. “Oo naman, bakit?” “Wala naman, ang tahimik mo kasi,” nakangiting wika nito saka hinawakan ang kamay niya. “You can now meet as a family.” “Oo nga, eh, medyo kinakabahan nga ako, Chase,” “Na-meet mo naman na sila, bakit ka pa kakabahan?” “Eh, kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko kung sakaling tanungin nila ako kung kumusta na ba ang pagbubuntis ko. I

