“ANO ka naman ba, Chase? Nag-usap nga lang kami dahil ibinalik niya sa ‘kin ‘yong result na ‘yan,” mahinahon nang sagot ni Ariyah sa asawa dahil ayaw naman niyang sabayan ang galit nito. “Mag-uusap lang kayo kailangan pang hawakan ka niya?” Parang hindi pa rin nito matanggap ang mga nakita. “Kahit ako nagulat do’n! Saka alam mo hindi naman kita ma-gets, ano bang problema mo, ha, Chase, si Zac hinawakan lang ‘yong noo ko dahil mukha raw masama ang pakiramdam ko. Samantalang ikaw nakipaghalikan ka nga kay Zoey pero hindi naman kita sinigawan ng ganiyan!” Naiinis na ring sabi niya at natigilan naman ito. Bumuntong-hininga ito saka bumaling sa kaniya. “Okay, sorry. Hindi ko lang talaga maatim na makitang kausap mo ‘yong tukmol na ‘yon,” mahinahon na ring wika nito pero ramdam pa rin niya na

