NANG matapos ang masayang weekend na iyon para sa mga Chavez ay nagbalikan na rin sila sa kani-kaniya nilang pinagkakaabalahan. Naging abala na rin si Ariyah sa pagsisimula ng pinaka-special na masterpiece na isasama niya sa exhibit na bubuksan. Halos ubusin niya ang oras niya sa loob ng art room na inilaan ni Chase para sa kaniya. Alas nuebe na nang gabi nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Alam naman niyang ang asawa lang niya iyon dahil wala namang ibang tao roon kung hindi silang dalawa. “Misis?” tawag nito sa kaniya. “Yes? May kailangan ka?” tanong niya nang hindi pa rin lumilingon dito. “Ayaw mo pa bang magpahinga?” tanong nito sa kaniya pagtapos ay naramdaman niya ang marahang pagyakap nito mula sa likuran niya. Hindi niya mapigilang mapangiti, aaminin niyang kinikilig siya

