Chapter 23: Golden Invitation Marsh Lahm's Point Of View "Sumama ka na pleaseeee." Pareho kaming nasa cafeteria ni Erin. We're eating lunch. Tinanong din ni Erin kung ayos lang ba ako. Napansin niya kasi ang band aid na nakalagay sa may gilid ng noo ko. Tapos na kaya ang meeting ni Kalev sa mga bagong investor? Kinain ba niya ang lunch na niluto ko para sakanya? Simpleng sinabaw na hipon lang ang niluto ko para sa kanya. "Marsh? Marsh?" "Huh?" Bigla ko na lang sabi. Hindi ko pala namalayan na nakatulala na ako. "Ano yun Erin? Sorry hindi ako nakikinig. May iniisip lang." sabi ko naman at flashed my awkward smile. "Hay nako! Ikaw talaga." Sabi naman niya sa akin habang kumakain ng dala niyang baon. "Sumama ka na sa party mamayang gabi. 40th Anniversary yun ng Stanislaski Enterprise.

