Martir. Iyon ang tawag sa akin ni Sinag. Hindi ko naiwasang magkwento tungkol sa nakita ko last night. At wala akong ginawa, deadma lang. Thirty minutes niya yata akong tinalakan over the phone. I was sixteen years old nang mamatay si Mommy. The following year ay nastroke naman si Daddy. Maaga akong nawalan ng lakas. Sa murang edad ay namuhay ako na inaako na lahat ng responsibilidad. Pinag aral ko ang aking sarili habang nagta-trabaho. Mahirap mamuhay ng mag-isa. Oo, mag-isa. My Daddy can't talk, mahina na siya. Sally eventually will have her own life in the near future. Ako na lang talaga ang matitira. Madaling sabihin na hindi ko siya kailangan at kaya kong buhayin ang anak ko mag isa. But in my child's part, it would be very painful. Kung kailangang magpakamartir para lang magkaroon

