My heart was like in the middle of a dark blue ocean drowning with sadness. I've never been this hurt before. Noon kasi kapag nasasaktan ako agad akong nakakabangon. I was born a fighter. Hindi ko inilulubog ang sarili ko sa problema dahil alam kong kasama ko si Daddy sa laban ko sa buhay. Pero sa ganitong sitwasyon na sarili at ang puso ko lang ang nakasugal, I felt alone and devastated. Alam ko namang playboy siya, tanggap ko iyon. Hindi ko lang talaga naisip na pwede niya iyong gawin sa akin. I'm too confident that he won't cheat, ito tuloy ang napala ko. "Merry Christmas, Daddy, Sally," I greeted them. I handed them their gifts. Ang saya-saya ng pasko namin ngayon dahil hindi na pancit canton at tasty ang handa namin. Sally cooked pasta and baked cake. Bakas sa mukha ng Daddy ko an

