Chapter 15 ISANG LINGGO narin ang nakalipas mula nong inilibing si Hannah. Isang linggo naring nasa ospital si Henry dahil kailangan nitong maoperahan dahil sa nabale nitong mga buto sa kanyang katawan. Sa ngayon ang mag-asawa na ang nagbabantay sa ospital, habang ang mga pananim at negosyo nila ay naebenta na ng mag-asawa. Malaki narin kasi ang nagastos nila, kaya wala na silang choice kundi ibenta ang lahat ng kanilang mga ari-arian. Sa ngayon ay sina Yna at Ella lang ang naiwan sa bahay ng mag-asawa. Maagang nagising si Yna ng oras na iyon, ginagawa niya ulit ang dati nitong ginagawa ang mag practice ng kanyang martial arts. Matagl-tagal narin niya itong ginagawa ng palihim dahil ayaw nitong makita sya ng mag-asawa sa kanyang ginagawa. Kailangan nang mag ingat ni Yna sa mga sandali

