Chapter 17 Nakauwi narin sa wakas si Yna sa bahay ng bago nitong pamilya. Nakalabas narin ng ospital si henry at ngayon nagpapagaling nalang sa bahay. Gusto nitong kausapin ang lahat at para makapag paalam narin ng maayos sa kanila. Inayos ni Yna ang kanyang mga damit sa isang maliit na bag, buo na ang disisyon nya na sa bayan sya titira ng sa ganun mabilis niyang mabantayan ang sunod na kilos ng kalaban. Gagamit nanaman siya ng alyas nya at magsusuot ng pekeng mukha ng sa ganun hindi siya makilala ng mga tauhan ni mayor. Batid ni Yna na kalat na sa lahat ang mukha nya dahil sa kanyang ipinagtapat sa mayor kanina. Mas magandang nakahanda na kaagad si Yna. Ang kinakatakot lang nya ay baka madamay ang mga taong kasama nya ngayon sa bahay kapag hinanap na sila. Kaya isang plano din ang pum

