Satana's Pov "Yvanovine Ranches kfced me!" Galit na asik ni Embry. Kasabay nang mabilis n'yang paghinga ay ang sunod-sunod na pagkawala ng mga naghalong banyagang mura mula sa kanya. Isang beses ko pa s'yang hinagod nang tingin habang nagpapabalik-balik s'ya nang lakad sa harapan ko. Naguguluhang ipinirmi ko sa kanya ang mga mata ko. "Kfced? As in kfc iyong fastfood chain?" I asked a little bit confused. Paano naman kasi ilang minuto na kaming magkasama pero 'yon lang ang paulit-ulit n'yang sinasabi. She stopped herself from walking and throw herself on my bed. I heard her groan before she sit up. "Finger lickin' good." I saw her shut her eyes close as if she remembers something forbidden as those words escaped through her lips. Nang mainis na rin ako dahil hind

