Satana's Pov Marahan kong iminulat ang aking mata. Sumambulat sa 'kin ang puting kisame ng kwarto maging ang ilaw na naro'n. Sinubukan ko pang gumalaw sana habang kinukurap kurap ang aking mata ngunit tumigil rin kaagad nang maramdaman ko ang pananakit ng aking buong katawan. "Satana." Nag-aalala at umiiyak na dinaluhan ako ni Mommy nang mamalayang nagising na 'ko. Once again, I tried to move and sit myself. Sa t'wing gumagalaw ako'y ramdam na ramdam ko ang panunuot ng sakit sa bawat himaymay ng aking katawan. I roam my eyes around the hospital room, looking for him but got disappointed in the end. Walang bakas ni Aeious, siguro'y nawalan na rin talaga s'ya ng pakialam sa 'kin ngayon. "Hugo, call the doctor." Utos ni Mommy kay Daddy na mabilis naman n'yang sinunod.

