Satana's Pov "Mahaba na ba ang pila sa may admin's office?" Tanong ni Alice sa isang estudyante na nakasalubong namin, galing 'to ro'n at mukhang nakuha n'ya na rin ang examination permit n'ya na gagamitin namin sa Lunes. "Hindi pa naman." Ngumiti s'ya sa 'min at nilampasan na kami, maya-maya pa'y humabol na rin sa 'min si Elias bitbit ang isang bote ng tubig na pinabili ko. "Tana, may laro sina Kuya Aeious mamaya, p'wedeng manuod muna tayo? Magpapaalam na lang ako kay Sir Hugo." I don't know if I should agreed on this or not, a part of me also wants to go and watch that game but something's stopping me. Nauna nang naglakad sa 'min sina Alice at Lily habang si Elias naman ay patuloy pa rin akong pinipilit na pumayag ng manuod kami ng soccer game. "Hindi ko pa alam, pag-iisipin

