Tila nandidilim ang paningin ni Yalmar nang marating ang Hacienda Vezcozar. Alam niya na may mga katanungan sa kanya ang asawa pag-uwi niya. Bakit bigla na lang siya nitong iniwan sa bahay nila at dali-daling nagmaneho pauwi sa hacienda sa kalagitnaan nang gabi? Yalmar knew that it would be a lengthy conversation but he needed to do things right then and there. Hindi na iyon makakapaghintay pa ng kinabukasan. Muli niyang naramdaman ang pagkulo ng kanyang dugo sa kinuwento sa kaniya ni Sabrina. What made him see red was how everyone at that time failed her and denied her the justice that she deserved. No! It could not wait until morning. Whatever he was going to do was long overdue. “Where are they?” Marahas niyang tanong sa kasambahay na sumalubong sa kanya sa main door ng mansyon. “S-s

