NANG MATAPOS na rin ang meeting nila Yalmar at Toni sa library at nakauwi na ang kanyang assistant, agad namang dumiretso si Yalmar sa kusina at nagtanong kay Manang Pacing kung kumain na ba ang asawa. Maang na sinabi naman ng kasambahay na hindi pa lumalabas si Sab sa kwarto nito mula kanina. He went on to knock on her door to invite her for dinner. Makailang beses pang kumatok ang lalaki pero walang sumagot. Doon na siya nagsimulang mag-alala. He turned the knob and found out that it was locked. Mas marahas na ang bawat katok niya at napasigaw pa sa dalawa nilang kasama na hanapin ang spare key. “Sab! Open up! Are you alright?” He yelled through the door but again she didn’t respond. Dali-dali namang binigay sa kanya ni Manang Pacing ang susi at agad nilang binuksan ang k’warto ng asa

