LENNY NAPATILI siya ng dambahin siya ni Leon at pumaibabaw sa kaniya. Pumalag siya at pinagsusuntok ang dibdib, mukha o ano pang parte ng katawan ngunit sadyang malakas ito. Sinabunutan siya nito at inuntog nang malakas sa sahig, napahinto siya dahil sa impact niyon sa kaniya. Pakiramdam niya nagdilim ng bahagya ang paningin niya. Hindi na siya gumalaw dahil sa pagkahilo nararamdaman. Naramdaman na lang niya ang nakakadiring bibig ni Leon na gumagapang sa leeg at mukha niya. Mariin siya napapikit, piping sumisigaw ng tulong. Umaasang may tutulong sa kaniya ng mga sandaling iyon, sa ilan araw na pag aantay niya parang nais na niya mawalan ng pag asa. Nang unti-unti siyang hubaran ni Leon, pinilit pa niyang itulak ito subalit malakas na sampal lang ang natamo niya. Napaluha na lamang siy

