LENNY "LIBRE ka ba sa linggo, Lenny?" Nagpakurap-kurap siya sa tanong ni Pancho sa kaniya. Kasalukuyan naka-break time ang mga ito sa pag gawa ng swimming pool. "Sa linggo? Oo, naman. Puwede kami lumabas pag araw ng linggo. Bakit?" Syempre alam na niya kung bakit pero tinatanong pa rin niya. Gano'n naman ang mga lalaki pag interesado sa isang babae, niyayaya lumabas. "Nabanggit mo na hindi ka pa masyado nakapamasyal dito sa Bacolod kaya gusto kitang ayain mag-rides." Nanlaki ang mga mata niya. "Rides? As in sa motor?" Nakangiting tumango si Pancho. "Oo, okay lang ba sa'yo umangkas sa'kin sa motor? Huwag kang mag alala, may lisensya ako." Nakuha nito ang interest niya. Ilan araw na rin siya rito sa Bacolod at hindi pa nakakapasyal, palagi na lang siya nakabantay kay Ajax. Huminga

