AJAX MALAKAS na sigaw ang nagpagising sa kaniya, napabalikwas siya ng bangon sabay lingon sa asawa niya na namimilipit na sa sakit. "S-Sweetie, you okay?" nauutal niya tanong, dahil bakas sa mukha ni Lenny ang sakit na iniinda. "No! I am not okay, I think manganganak na ko, sobrang sakit na ng tiyan ko!" hiyaw nito. Napamura siya nang mahina. Tinawag na niya si Nanay Ellen upang ihanda na ang mga gamit ni Lenny pati na rin ang sasakyan. Pitong buwan pa lang ang tiyan ni Lenny pero parang siyam na buwan na sa laki. Nag aalala siya sa magiging kalagayan ng asawa niya at mga anak nila. Nang maihanda na ang sasakyan hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, mabilis pa sa alas-kuwatro isinugod na niya si Lenny sa hospital. "J-Just calm down, Sweetie. Take a deep breath--" "Ikaw ang nagpa-pani

