LENNY NAPATAKIP siya ng tenga dahil sa lakas ng tili ni Milet nang sabihin niya rito ang tungkol sa kanila ni Ajax. Kitang-kita rin niya ang masayang ngiti ni Nanay Ellen. "Nakakakilig! Sabi na e' malakas ang kutob ko may something sainyo ni Sir. Paano ba 'yan, ma'am na rin ba itatawag ko sa'yo?" Ngiting-ngiti wika ni Milet habang sama-sama silang nakaupo sa salas. Tumikhim si Nanay Ellen kaya napalingon sila rito. "Masaya ako para sainyo. Kahit papaano nabawasan aking aalahanin, alam kong magiging masaya si Ajax sa'yo." Nahihiyang napangiti siya. "Salamat po, Nanay Ellen." Bumaling naman siya kay Milet. "Hindi mo ako kailangan tawagin ng ma'am, ang OA na no'n." Pabiro niya. "Bagay na bagay kayo ni Sir." Ngising sabi ni Milet. "Panigurado magiging pogi at magaganda ang magiging baby n

