LENNY KASALUKUYAN nasa isang make up & hair salon sila ni Milet, dumaan muna sila roon bago magtungo sa cityhall. "Pak! Ang ganda mo talaga, Len. Daig mo pa si Pia Alonzo." Manghang wika ni Milet sa kaniya na ikinatawa niya. "Sinong Pia Alonzo?" Wala naman siya kilalang artista na gano'n ang pangalan. "Pia? 'yon ka-loveteam ni JohnLlyod Cruz, 'di mo kilala 'yon?" Kunot noo sabi naman nito, nakitawa na rin ang ilan mga staff na naroon dahil sa pinagsasabi ni Milet. "Bakla, mali! Baka Bea Alonzo!" Pagtatama naman ng baklang nag aayos ng buhok niya kay Milet. "Ah, Bea pala. Sorry naman," ngumuso si Milet sabay nakangiting lumingon sa kaniya. "Hawig mo si Bea Alonzo." Tumawa na lamang siya. Pagkatapos siya maayosan at ma-make up-an ay nagmadali na rin sila ni Milet. "Maraming salamat,

