59

1118 Words

LENNY KAHIT mabigat at mahapdi ang mga mata niya ay pinilit niyang idilat iyon hanggang paunti-unti nakakaaninag siya ng liwanag. Nang maayos niyang naidilat ang mga mata, ang puting-puti na kisame ang nakita niya. Luminga-linga siya sa paligid, napakunot noo siya. Nasaan siya? Kaninong bahay 'to? Marahan siyang gumalaw, napahinto siya nang mapansin may nakatusok na dextrose sa kanang braso niya. Dahan-dahan niyang inangat ang likod upang mapaupo siya at sumandal sa headboard ng kama. Doon lang niya napagmasdan ng malinaw ang loob ng kuwarto kinaroroonan niya. May malalaking salamin na bintana, may chandelier light sa gitna ng kisame, may magagarang furniture at may mini ref sa gilid. Hinimas din niya ang kama, water bed iyon. Biglang napaisip siya, inaalala niya kung ano nga ba ang na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD