53

1158 Words

Karina HINDI AKO NAGTAGUMPAY na maipagpag ang mga hindi magagandang pakiramdam. Mas nadagdagan pa iyon. Nakauwi na kami ng Manila. May committment si Adan. Ako naman ay may panahon pa bago ang isang event na kailangang kong daluhan kaya umuwi muna ako para makapagpahinga. Nakatulog naman ako at magaan ang pakiramdam nang magising. Habang naghahanda para sa event, napansin ko na tuon ang pansin ni Michelle sa phone niya. Alam kong hindi siya nanonood ng Friends sa Netflix dahil hindi niya suot ang earbuds niya at maya’t mayang abala ang daliri niya sa pag-swipe at pagtipa. “May kung anong nangyayari sa Internet?” ang kaswal kong tanong. Napatingin siya sa akin, nanlalaki ang mga mata. Parang nahihintakutan. “Ha? Wala! Wala!” Kabisado ko kung nagsisinungaling sa akin ang assistant ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD