Pilipinas Karina IT’S NICE TO be back. Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili kahit na hindi ko ganap na pinaniniwalaan. Mabigat ang aking loob na umuwi ng Pilipinas. Nababalot ng lungkot ang aking puso. Parang ambigat-bigat ng katawan ko. Labis ko ring pinagsisisihan ang ginawa kong basta na lang pag-alis. Mas maayos kaya ang pakiramdam ko kung nagpaalam ako nang maayos kay Adan? It was a great idea at the time. I’m convinced that it was the right thing to do. The easy thing for both of us. I have to admit that I had been afraid. Natakot ako na baka hindi ko magawang kumawala. Baka hindi ko kayanin ang goodbye. I couldn’t even write the word on paper, how can I utter them? Siguro a part of me didn’t want it to be final between us. Ciao can be hello and goodbye in Italia

