Adan
“INCOMING,” ang pabulong na sabi sa akin ni Aaron.
Napatingin ako sa direksiyon na pasimpleng inginuso ni Aaron. Parating si Rianne. Kasalukuyan akong nasa isang studio para sa isang photoshoot para sa isang clothing line na ini-endorse ko. Nakita at naramdaman ko ang pag-iiba ng paligid.
Natahimik ang lahat. Sinisikap ng ilan na magkunwang hindi nakatingin pero alam ko na nakikiramdam at nakikinig ang lahat. Gusto nilang malaman kung ano ang mangyayari, kung paano ako pakikitunguhan ni Rianne.
Hanggang sa ngayon ay mainit pa ring usapin ang tungkol sa “pagtataksil” ko. Naging masyadong big deal na nga. Maraming memes ang nagkalat. Maraming opinyon ang mga tao na para bang utang-na-loob ko sa kanila ang buong existence ko.
May mga nagtatanggol pa rin naman sa akin. Mga diehard fans namin ni Rianne ang karamihan. May mga naniwala naman sa statement ng ka-loveteam ko.
Pero ang tingin pa rin sa akin ng mga karamihan ay playboy.
Sinusubukan kong huwag magkaroon ng pakialam. Ayokong masaktan sa mga akusasyon. Alam ko ang totoo at iyon ang mahalaga. Kilala ko ang aking sarili. Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Pero hindi talaga maiwasan na sumama rin ang pakiramdam ko.
Nginitian ako ni Rianne. “Hello, handsome.” Hinagkan niya ako sa mga labi pagkalapit na pagkalapit niya.
Pinigilan ko ang kagustuhan na mapangiwi. Ngumiti ako na para bang siyang-siya sa ganoong pagbati. Nahiling ko na sana ay hindi mahalata sa mukha ko ang totoong nadarama, na sana ay makita lang sa akin ay kaligayahan na makita ang aking “nobya.”
“Hey, what are you doing here?” ang aking tanong habang nakangiti pa rin. Hindi ko alam na darating si Rianne sa shoot. Hindi rin alam ni Aaron ang planong pagbisita na iyon dahil kung alam niya ay sasabihin niya kaagad sa akin. Alam ng assistant ko na gusto kong maging handa sa bawat encounter kay Rianne at kay Owen.
Yes, it has come to the point where I have to mentally and emotionally prepare myself before I meet this woman who’s supposed to be the love of my life.
Mas idinikit ni Rianne sa akin ang katawan niya. Bahagyang natensiyon ang katawan ko pero pilit kong hindi ipinahalata. Inakbayan ko siya at hinapit palapit. Hinagkan ang kanyang sentido pagkatapos. It’s a sweet gesture everyone loves.
“Pinapunta ako ni Owen. May message siya for you.”
“Tell them I’m taking a break,” ang kaagad kong sabi kay Aaron. Inakay ko si Rianne patungo sa dressing room na nakatalaga para sa akin. Walang tao roon sa kasalukuyan. Gusto kong matapos na kaagad ang usapan na iyon. May mga kailangan akong gawin.
Gusto ko rin talagang malaman ang anumang mensahe na ipinapaabot ni Owen. Hindi pa niya ako iniimik. Sa totoo lang ay hindi ko siya talaga masisi pagkatapos ng ginawa ko sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng trouble na ibinigay ko. Abala pa ang manager ko sa paglilinis ng imahe ko sa publiko. Alam ko na masakit pa ang ulo niya sa akin.
Kaya hinahayaan ko na lang siya. Hindi ko na gaanong inaabala pa. Isa pa, mas magkakainitan lang kami. Kailangan namin ng cooling off period. Sa tagal naming magkatrabaho ay masasabing kabisado na namin ang isa’t isa.
Pagdating sa loob ng dressing room ay kaagad akong lumayo kay Rianne. Hindi kaagad niya ako sinagot. Iginala muna niya ang paningin sa paligid. Sinigurong nakasara ang pinto at siniguro na walang ibang tao na naroon.
Matiyaga akong naghintay kahit na parang mabilis na nauubos ang pasensiya ko.
“You owe me,” ang sabi niya kapagkuwan, nakangiti.
“Of course. I have no doubt you’ll cash in soon.”
“Not very soon. Hahayaan kang magbakasyon ni Owen. Ayaw sana niya dahil hindi niya gustong magkaroon ng impression ang public na tumatakas ka or pinaparusahan. He’ll make it as if this had been planned for a long time. I convinced him this is going to be good for you.”
“Okay.” Kaswal ang aking pagkakasabi kahit na bigla ang pag-ahon ng galak at relief sa aking dibdib. Hindi ko muna gustong ipakita ang totoong nararamdaman ko hanggang sa hindi pa nasasabi sa akin ni Rianne ang lahat.
Ayoko rin namang umasa sa isang bagay na bigla na lang babawiin.
“I told him you have needs. Kung magpapatuloy ang ganito, mas maghahanap ka dahil mas nararamdaman mo ang mga need na iyon. I told him it’s a good idea to let you out of the country. You can party and hook up with women. Manawa ka. Para pagbalik mo rito, mas maayos ka na. Hindi ka na gaanong pasaway.”
Sa loob ng ilang sandali ay hindi ako makapagsalita, napatanga lang ako kay Rianne. May parte sa akin na hindi gaanong mapaniwalaan ang mga narinig. Pero ano pa nga ba ang aasahan ko?
“Puwede kang magpunta kahit na saan mo gusto,” ang pagpapatuloy ni Rianne. “LA, Vegas, Ibiza, Hawaii...”
“Really?”
Tumango-tango si Rianne. “You can sleep with anyone you like. Basta sa lugar na hindi ka kilala at hindi ako kilala.”
“I don’t honestly know what to say.” May parte sa akin ang gustong matawa. How ridiculous is this? May parte rin sa akin ang gustong mainis talaga. Iyon ang tingin nila sa pinagdadaanan ko? The need to f**k? Ano ang akala nila sa akin?
“You can say thank you.”
“Yeah, I can.” But I won’t. Nginitian ko nang matamis si Rianne. “I have to get back to work.” Hindi ko na hinintay pa ang anumang sasabihin niya, iniwan ko na lang siya roon. Wala akong pakialam sa sasabihin o iisipin ng mga tao.
Nagawan naman ng paraan ni Rianne. Paglabas niya ay bahagyang magulo ang buhok niya. Hindi na rin perpekto ang pagkakalagay ng lipstick sa mga labi. Smeared na parang may humalik.
Napapailing na natatawa na lang ako.
Yes, this is my life.