Karina ADAN MADE A feast. He made two kinds of fried rice. A regular kimchi fried rice and cauliflower kimchi fried rice. Sandamakmak kasi ang cauliflower na dala ni Luke. Hinayaan niya akong tumulong sa cauliflower fried rice. Gumawa siya green Thai curry na medyo maanghang pero siniguro niya na masarap sa white rice. Gumawa rin siya ng vegetable lumpia. May pre-marinated ng pork and chicken. Paborito raw ni Aaron ang fried chicken kaya mayroong fried chicken. Sinabihan ni Michelle si Aaron na spoiled sa boss niya. Sandaling ipinrito ang mga manok at pagkatapos ay inilagay sa oven. Inilagay rin niya sa oven ang marinated strips of pork belly. May mga prutas ding dala si Luke. Inako ko ang pag-slice sa mga iyon. Nang tumalikod sandali si Luke ay sinubuan ko si Adan ng isang strawberry.

