Karina WE HAD A lovely time on the island of Capri but it’s time to go back to Amalfi. Naparami ang pinamili pero hindi namin gaanong in-stress ang aming mga sarili. “I’m gonna miss this place so much,” ang pabulong kong sabi habang nasa ferry kami. Nakaharap ako sa railing habang yakap-yakap niya ako mula sa likuran. “We can always come back,” he said in comfort. “Yeah, I guess we can. When we find the time again,” ang aking tugon habang idinadantay ang ulo sa kanyang dibdib. “Work’s going to be crazy pagbalik ko.” “Same. But I’m more centered now. More peaceful.” “Ako rin. I’m determined to find joy again in work because this is what I love. This is what I want to do for a very long time. I will be happy.” May diin sa huling pangungusap na binitiwan ko. Dahil iyon talaga ang pla

