Karina “DO YOU THINK this is fate?” “Us having the same reservations in this island?” ang natatawa kong tugon sa sinabi ni Adan habang hindi ko inaalis ang tingin sa mga nadadaanan namin. Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang funicular na galing ng marina at patungo ng Piazetta. Ang sabi ay apat na minuto lang ang itatagal ng ride na iyon. “Yes. Destiny.” “We just happen to have the same concierge na nag-arrange ng reservations nating dalawa. Hindi ko sure kung tamad lang siya or gusto talaga niyang iparanas ang Capri sa ating dalawa. Or may komisyon siya mula sa mga beach clubs at hotels in this island sa bawat reservations niya.” “Why are you like that? Don’t take the romance away.” Pumaikot ang kanyang braso sa aking leeg. Hinila niya ako palapit at hinagkan ang aking sentido. “May

