Karina HINDI PA MAN ako nakakauwi ng bahay ay nakatanggap na ako ng message mula kay Luke. Nakalagay sa mensahe ang address at oras na dapat ay naroon ako. He also said he’d provide lunch. I’m excited to have a talk with Luke. Umaasa ako na may project siya na magiging interesado ako. I want to spend the day with Adan. Madalas pa rin kaming magkausap sa phone pero gusto ko pa rin siyang makita. Gusto ko siyang mayakap at mahagkan. Pero hindi ko alam kung libre rin siya sa araw na iyon. Nakahiyaan ko naman nang utusan si Michelle na magtanong kay Aaron. Mas maigi siguro kung i-meet ko muna si Luke at saka na ako mag-decide sa gagawin. Maybe we can do dinner. I have all day to think and plan about it. For now, I just have to focus on Luke. Nakaramdam ako ng excitement habang patungo sa

