Adan “THANK GOD I didn’t drive,” ang sabi ko kay Karina matapos kong abutin ang kanyang kamay. Mabilis siyang kumapit sa akin nang mahigpit. Hindi ko napigilan ang mapangiti kahit na sa totoo lang ay maging ako ay gusto nang kabahan at matakot. The road is death defying, ayon sa isang vlog na napanood ko. Hindi siya nagsinungaling. Kumuha kami ng taxi dahil wala akong lakas ng loob na magmaneho sa ganoong klase ng daan. Nasa mataas na bahagi iyon at mas kurbada at mas matarik. “Do we really have to have dinner at this place?” ang tanong ni Karina, mukhang hindi sigurado kung kakabahan o maiinis sa akin. “The scene is overlooking the world,” ang sabi ko sa kanya, inaalala ang mga sinabi pa ng vlogger na siyang dahilan kung bakit ako naroon. “A million-dollar view.” She gave me a look.

