Karina “CONFUSED TALAGA AKO, Madam.” “Saka na ako magpapaliwanag,” ang sabi ko kay Michelle habang nasa van kami. Patungo kami sa address na ibinigay sa akin ni Adan bago kami nagkahiwalay sa hotel kanina. Hindi ako makapaghintay na makasama siya uli. Nang mga sandaling iyon, hindi ko muna hinayaan ang sarili ko na mag-aalala o mag-isip masyado. I will deal with things after. “Uuwi na ba tayo? Puwede ka namang matulog sa hotel. Wala roon si Jaime. Baka pagod ka na. Kailangan mo ng rest para sa lahat ng kakaharapin mo bukas,” ang pagpapatuloy ni Michelle. “Is it bad?” Umiwas siya ng tingin. “Hindi ko pa masabi talaga. Sumilip lang ako sa mga socials pero na-stress ako agad at hindi ko pa alam ang gagawin kaya isinara ko na muna. Naghihintay ako ng tawag from Miss Anne. Sa palagay ko a

