_____________MIGUEL_____________ Malakas ang buhos ng ulan tila ba ito'y nakikidalamhati sa aking nararamdaman sa mga oras na ito. Maingay ang gubat na aking tinatahak ngayon, dahil sa malakas na hanging isinasayaw ang mga luntiang dahon ng mga matatayog na puno. Tiningala ko ang kalangitan, ninanamnam ang pagpatak ng mga butil ng ulan sa aking mukha umaasang sa pagbagsak ng mga butil nito'y lunuring ding tuluyan itong lungkot, at paghihinagpis na kinikimkim ko sa mahabang panahon. Marahil nga ay kaakibat ng pagmamahal ay sakit. Marami akong natutunan sa mga nangyari sa akin. Sa ating buhay ay maraming taong darating, meron ibang magtatagal, meron ding dadaan lang. Minsan kung sino pa yung minahal natin ng tunay ay siya ring magbibigay sa atin ng nakakamatay na sakit. May mga taong sob

