Arrrrgh! Napasabunot ako sa aking buhok, dahil naiinis ako sa taong iyon. Eh, paano ba kasi ilang araw na niya akong hindi kinikibo, at iniiwasan na para bang may nakakahawang sakit ako. Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko, bakit may kirot sa puso ko ang ginawang pag iwas niya sa akin. In the first place, ay ginawan niya ako ng pabor para maiwaksi ko itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya, pero nakakagago lang kasi , dahil sa bawat pag-iwas niya sa akin ay palala din ng palala ang kirot sa aking dibdib. Siguro nga nababaliw na ako,first time kong magkandagago sa pakiramdam na ganito. At worst sa isang lalaki pa, gayong hindi naman ako bakla! See?! Nakakaputangina lang talaga! Sabi niya, gusto niya ako! Hinahalikan nga niya ako, diba? Ano iyon? Biruan lang ang lahat? Gago

