Hindi alintana ang malamig na gabi na nanunuot sa balat ng matandang lola Virgie na kasalukuyang nakaupo sa balkunahe ng kaniyang kubo. Nakadungaw siya sa kalahating buwan na nagbibigay tanglaw sa baryo na iyon. Buhay na buhay ang buong kapaligiran tila umaga sa sandaling iyon. Nasa labas ng kanilang mga kabahayan ang mga taga pook. Ang kaninang tila ghost town na kapaligiran ngayon ay naging maingay. Napupuno ang kapaligiran ng mga halakhak ng mga kalalakihang nakaupo pabilog paharap sa malaking siga ng apoy. Matatanaw rin ang mga paslit na naghahabulan sa kaparangan. Ang mga maiitim na malahiganteng ibon ay maririnig ang pagaspas ng kanilang mga malahiganteng pakpak. Naglipana rin ang mga taong naroon sa ibabaw ng kanikanilang mga bubongan kapwa nakatingala sa bilog na bilog na buwa

