“Parang gusto kong binyagan na natin ‘to, Gael. Saan nga ulit ang magiging kwarto natin? Matibay ba ang kama niyon? Baka naman isang gamitan lang, lumpo na kaagad ‘yon,” nakangising sabi ko kay Gael. He laughed at me. “Nope. We’ll do that here when we’re already married,” wika nito. Napanguso ako. Hindi bale, may condo pa naman. Edi roon na lang muna hangga’t hindi pa kami kinakasal. Napahinto kami sa pag-uusap nang mag-ring ang aking phone. Si Shienel iyon. “Tammy? Free ka ba? Bar muna tayo! Sa may restobar na pinagtrabahuan mo noon. Damayan muna natin itong kaibigan natin,” wika ni Shienel. Kumunot ang noo. Damayan sino? Anong meron? “Huh? Bakit? May broken ba sa inyo? Sino, ikaw? Break na kayo ni Doc?” kuryosong tanong ko. Nakita kong napalingon sa akin si Gael. “G*ga! Kami ni

