Napapikit ako nang maramdaman ang pamilyar na comfort sa tuwing niyayakap niya ako nang ganito pero hindi rin nagtagal iyon nang maalala kong hindi nga pala kami bati. Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin. Sumiksik ako sa pinakadulong bahagi ng elevator saka diretso ang tingin sa harapan ko. Tumikhim ako. “Feeling close ka ah,” sabi ko rito. I heard him took a deep breath. “Were you supposed to go out? Saan ka pupunta? Medyo malalim na ang gabi,” nag-aalalang sabi nito. “Pake mo ba?” masungit kong sabi. Patuloy sa pag-angat ang elevator. Nabigla ako nang pinindot niya ang pinakamataas na floor which is the entrance for the rooftop. Nakapunta na kami roon nila Shienel nang i-tour kami ni Alana sa building. Aware rin ako na pwedeng tumambay roon ang mga nakatira rito sa buildin

