Pinagbigyan namin si Tito sa hiningi nitong oras. Kunsabagay, sabi niya nga naman talaga ay kukuha pa siya ng lakas ng loob para sabihin sa mga anak niya. Sadyang napaaga lang talaga kay Gael dahil kung hindi niya aaminin ang totoo ay baka nabugbog na siya at nag-away pa kami nang malala ni Gael. Nangako rin kami na sasamahan namin siya bilang pagsuporta at hinding-hindi namin siya papangunahan sa pagsabi kay Jayden. Siyempre kaya ko naman ‘yon. Alam ko naman kung kailan dapat na magseryoso. Saka hindi dapat sa akin na manggaling ang tungkol doon. Ilang araw ang lumipas at mula nang mangyari iyon ay naging magaan na ang loob namin ng tatay ni Gael sa isa’t-isa. Hindi na ito nagsusungit sa akin at hindi na rin judgemental kung makapagsalita. Feeling ko tuloy ay nadagdagan na naman ang ba

