“Ngayon, tigilan mo na ako. I already obliged. You’re really so nosy,” seryosong sabi nito saka ako tinalikuran na parang walang nangyari. Pagkalaki-laki ng ngisi ko habang pinapanuod siyang naglalakad pabalik sa upuan niya. Mabagal akong napailing. “Hindi ka talaga bakla eh,” wika ko. Pagkaupo niya ay humarap siya sa akin. Umangat ang isang kilay nito. “Dami-dami mo pang satsat na kesyo bakla ka at hindi ka papatol sa akin pero ang bilis mo namang bumigay ngayon? Isang linggo mo bang pinag-isipan kung nayanig ko ang gender preference mo kaya’t ngayong hinaharot kita ay ang bilis mong sumuko?” pang-aasar ko rito. “I just did it for you to shut up. Napakaingay mo at nakakairita ka na. Kung wala ka ng magandang sasabihin, you may now leave my office,” malamig na sabi nito. Napasimangot

