Noong nakahanda na kaming lahat para umalis ng resort ay doon na lang namin nalaman na nauna na palang lumipad pabalik ng Abra si Sir Jayden. He assigned our restobar’s bouncers para sila ang mag-manage sa aming lahat including about our tickets and everything. Matiwasay naman din kaming nakabalik ng Abra. Hindi ko naiwasang mapailing nang maalala na atat na atat atang umuwi si Sir Jayden kaya’t nauna na sa amin. Natatandaan ko kasing may kakatagpuin siyang boylet. Hindi talaga nauubusan ng lalaki si Sir. Dinaig pa ang beauty ko! Tulad ng sinabi ni Sir Jayden ay wala kaming pasok sa gabing iyon ng Linggo kaya naman hinatid na kami kanya-kanya ng van na sinasakyan namin. Paunti nang paunti ang laman ng van habang paisa-isang bumababa ang mga kasamahan ko sa trabaho. Isa ako sa mga huli

