Unti-unting humina ang music kasabay ng announcement ng DJ. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil ito na ata ang pinakaeskandalosang gagawin ko sa buong buhay ko pero no regrets. Hindi naman ako kilala ng mga tao rito at kung may mga kasamahan man ako sa trabaho na narito ngayon sa loob ng bar ay sanay naman na siguro sila sa akin. “Attention to Mr. Jayden, your pregnant wife is looking for you. Please see her here infront of the stage. Thank you so much!” Pagkasabi niya niyon ay itinodo niya na ulit ang music. Muli akong nagpasalamat dito saka bumaba na ng stage. The bouncer, upon knowing that I am ‘pregnant’ guided me all the way down at saktong-sakto na pagkababa ko ay nakita kong naglalakad papalapit sa akin ang nakabusangot na mukha ni Sir Jayden. Hindi ko alam kung saan siya

