Kaagad ko siyang nilapitan. Sobrang nag-aalala ako nang makita na nasa wheel chair ito. Tinanggal ko ang isang tela na nakapatong sa hita niya at nag-double check kung wala nga talaga siyang legs pero wala na talaga! Tuhod na lang ang naroon. Gulat na gulat ako dahil doon pero mas nabigla ako nang tinulak niya ako nang malakas at dahil doon ay napaupo ako sa sahig. “Get your hands off me!” matinis na sigaw nito. Parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil pagtaboy niya sa akin. Tumayo ako at sumubok na lapitan siya ulit pero inatras niya ang wheel chair palayo sa akin. “A-Anong nangyari sa’yo? Nasan ang mga binti mo? Bakit hindi ko ito nabalitaan? Kailan ka naaksidente?” sunod-sunod na tanong ko. “Sabing huwag kang lumapit! My gosh! You’re so stupid talaga. You can’t understand any

