“Your mouth!” mariing bulong nito saka ako hinila palapit sa kanya. Ngumisi ako lalo. “Oh, bakit? Anong problema sa bibig ko? ‘Di ba sabi ko sa’yo dati, paliligayahin ka rin ng bibig kong ito at nangyari na nga. Okay ba?” natatawang sabi ko. Napailing na lang ito. He started walking. Hawak pa rin niya ang isang kamay ko at tila nakalimutan na niya ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi mawala ang ngisi sa labi ko. Kinikilig ako na magka-holding handa kaming dalawa ngayon! Wala akong pakialam kung saan kami papaunta. Kahit sa morgue pa, ayos lang sa akin basta hawak niya ang kamay ko. Pero bakit nga ba siya narito sa hospital? May sakit ba siya? Baka napagod? Magpapa-check up ba siya? Nalamog ko ba? Hindi na ba makatayo? Pambihira! Hindi pwede ‘yon! Mawawalan ng saysay itong pagpapa-in

