Katulad ng inaasahan ay nasermunan niya ako nang matindi sa mga oras na iyon. Medyo hilo na nga ako para intindihin pa iyon kaya’t puro tango na lang talaga ang ginawa ko. Hindi ko na rin siya masyadong kinulit dahil naiinis talaga ito. Nang sa wakas ay natapos na siyang magsermon ay hinayaan niya na akong bumalik sa trabaho ko. Tutal ay closing na lang din naman ay hinayaan niya na ako. Totoo naman kasing may tama lang ako pero hindi pa ako lasing. Alam ko pa ang ginagawa ko at kaya ko pang gawin ang trabaho ko nang maayos. Pagkalabas ko ay nag-aayos na rin ang mga tropa ko. Pinapunta pa nga nila ako ulit at ilang beses na kinulit tungkol kay Sir Jayden. “Huy girl! Afam ‘yung boss mo ha! Paisa naman diyan!” wika ng isa. Umangat ang isang kilay ko. “Tumigil nga kayo! Off limits si Si

