Hindi ko inakalang seryoso si Gael sa sinabi niyang sa kanya na lang ako magtrabaho pagkatapos ko ng college. Gusto niya na ako na lang ang sekretarya niya. Matagal na pala kasing na-take over sa kanya ang kumpanya ng pamilya nila habang ang tatay naman nito ay nagpapahinga at palagiang bumibisita na lang sa mga meetings. “Akala ko nagpapakilig ka lang kaya sinabi mo ‘yon?” nakangisi kong sabi. Umangat ang isang kilay nito saka ininom ang alak na nakaharap sa kanya. Bumigay na si Tatay ay pumasok na ng kwarto. Kaming apat na lang ang nag-iinuman dito kaya’t kahit papaano ay kalmado na ako at pwede na akong makalaklak ng alak. Kanina pa ako nauuhaw pero hindi ako makatodo kasi tiyak na mayayari ako kay Tatay. Alam niyang umiinom ako pero hindi siya aware na daig pa ng panganay niya ang

