EXCITED na kumatok si JD sa unit ni Daena para sunduin ito. Today was the day of PBA Annual Rookie Draft at sasamahan siya ng nobya sa venue. Pupunta rin ang mga pinsan niya at asawa ng mga ito pero magkikita-kita na lang sila sa Robinsons Place - Manila kung saan gaganapin ang event. He was so excited and nervous at the same time.
Inaasahan na niya na may team na magda-draft sa kanya. Partikular na ang Energy Lightnings na defending champion sa nakaraang conference. Hindi lingid sa kanya na nag-trade ng mga players ang team para lang makuha ang karapatan sa second overall pick sa taong iyon at mai-draft siya. Ang sister team ng Energy Lighnings ang may hawak ng first overall pick at inaasahan na ng lahat na hindi siya ang ida-draft ng team dahil isang forward ang kailangan ng mga ito. Center ang position niya. Kinausap na rin ng team manager ng Energy Lightnings ang agent niya para sa magiging kontrata niya, and it was a good deal. If ever, he will receive the maximum salary for the rookie.
Pero bukod sa rookie draft ay may iba pa siyang plano sa gabing iyon. Kinapa niya ang maliit na box na nasa secret pocket ng suot niyang dinner jacket. Napangiti siya nang masigurong naroon pa rin iyon. He was going to propose to Daena tonight. Pinadecorate na niya ang isa sa hotel room sa Monteclaro Hotel–Manila na pag-aari ng pamilya niya. Doon niya balak dalhin si Daena pagkatapos ng dinner kasama ng family niya o ng bago niyang teammates sakaling ma-draft siya. Pero kung ano man ang maging resulta ng draft ay tuloy pa rin ang plano niya. O kung sakaling hindi siya palaring makapasok sa PBA ay okay lang sa kanya. Tatanggapin na lang niya ang alok ng isa sa dalawang team sa D-League na kumukuha sa kanya. Pareho rin namang maganda ang offers ng dalawang team. Going back in the ABL or playing in other country was not his option anymore. Mananatili siya sa Manila o kahit saang lugar kung nasaan naroon si Daena. He was intended to spend his lifetime with her.
Ipinagpatuloy ni JD ang pagkatok sa pinto. Ngunit ilang sandali pa ang lumipas ngunit hindi pa rin siya pinagbubuksan ng pinto ng nobya. Nakakunot ang noong inilabas niya ang kanyang cell phone upang tawagan ito. Noon niya nakitang may tatlong missed calls ito sa kanya. Kaagad siyang nag-return call dito. Nakadalawang missed calls muna siya bago nito sinagot ang cell phone nito.
"Hey, where are you?" tanong niya rito.
"At the airport. Sa domestic."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "What? Airport? Ano'ng ginagawa mo d'yan?"
"I'm sorry, JD, but I'm on my way to Palawan. Ethan called me up. He needs me."
Natigilan siya at kaagad sumama ang loob sa narinig. "Today is the rookie draft, remember? And I'm your boyfriend, Daena. I need you, too," bahagyang tumaas ang boses na sabi niya.
"It's not what you think, JD. Trabaho ang pupuntahan ko sa Palawan. I'm so sorry. Babawi na lang ako sa 'yo pagbalik ko."
Napatimbagang siya. "Pero ngayon kita kailangan."
Isang nahihirapang buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Please, huwag kang magalit. Work related naman 'to."
Hindi siya kumibo. Namagitan sa kanila ang sandaling katahimikan.
"Hey, I have to go. Good luck and I love you!" kapagkuwan ay sabi nito at nawala na sa kabilang linya.
Ipinamulsa na niya ang hawak na cell phone at mabigat ang mga paang umalis na siya sa labas ng unit upang magtungo sa venue ng rookie draft.
"KAYO na talaga? Nagkabalikan na kayo?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Daena habang kaharap sina Ethan at Tamara sa loob ng isang log house sa Jason Paradise.
Magkahawak ang mga kamay na nagkatinginan muna ang mga ito bago halos sabay na tumango.
"Ay!" Hindi niya napigilan ang sariling mapatili. Higit kanino man, siya ang pinakamasaya sa pangyayaring iyon. Hindi nga siya nagkamali na mahal pa rin ng dalawa ang isa't–isa. Magkasunod na niyakap niya ang mga ito. Pagkatapos ay pinagkuwento pa niya kung paano nagkaayos ang mga ito.
Ayon kay Tamara, nang iwanan siya nito sa Club E Resort ay napadpad ito sa Jason Paradise dahil sa rekomendasyon ng bangkerong nasakyan nito. The half of the resort was open for public and the other half was private. Lasing si Tamara nang mapadpad ito sa dalampasigan na sakop na ng private part ng resort. At doon nito nakatagpo si Ethan na lasing din. Nang matuklasan ni Ethan ang kataksilan nina Celine at Lance ay sa Jason Paradise ito nagmukmok. Nakapag-usap ang dalawa at nakapagpatawaran. It must be fate kaya nagkatagpo roon ang mga ito or maybe God just answered her prayers.
Pinapunta siya ni Ethan sa resort kasama ng cameraman para i-cover ang magiging interview nito kay Tamara at para na rin makipagbati sa kanya. The interview was Tamara's idea, gusto nitong ipakita sa lahat na okay ito at si Ethan. Noong una ay tumanggi si Ethan dahil hindi naman na iyon kailangan but Tamara was insisted. Noon din ay nagsulat siya ng script para sa magiging interview.
Nang matapos ang interview ay saka pa lang sila nakapaghapunan. Nagchi-chikahan pa sila ni Tamara nang magsalita si Ethan habang nakatingin sa cell phone nito.
"Yes! JD made it to the PBA! Energy Lightnings drafted him. Magka-teammate na sila ni Troy," masayang anunsyo ni Ethan.
"Talaga?" Kaagad siyang natuwa sa narinig kahit pa inaasahan na niya iyon. Sinasabi naman kasi ni JD sa kanya ang lahat ng update sa application nito sa PBA.
"Si JD ba 'yong kinukuwento mo sa akin na boyfriend mo, Daena?" tanong ni Tamara.
"Yes," tugon niya at inilabas ang cell phone.
"Actually, naging classmate namin siya bago ka nag-transfer noon sa school," sabi ni Ethan. At nagkuwento si Ethan tungkol sa nobyo niya.
Tumayo si Daena upang tawagan ang nobyo. Noon niya nakita na nag- missed calls ito sa kanya. Nag-return call siya rito ngunit nakapatay ang cell phone nito. Binuksan niya ang Twitter account niya. Kasalukuyang trending ang naganap na rookie draft. May post pa roon si JD kasama si Troy at iba pang bagong mga teammates nito. Nag-tweet siya rito at binati ito ngunit lumipas ang ilang minuto pero hindi nito sinagot ang tweet niya. He must be busy o galit ito sa kanya.
Muli siyang nakaramdam ng guilt nang hindi niya ito nasamahan sa isa sa pinakaimportanteng pangyayari sa buhay nito. Ipinangako pa naman niya sa kanyang sarili na mas bibigyan ito ng priority pero ayun at mas inuna pa niya ang trabaho.
Doon na siya nagdesisyong bumalik sa Maynila. "Guys, I have to go back to Manila."
"Huh?" sambit ni Tamara. "Gabi na bukas ka na lang umalis."
"Oo nga," segunda naman ni Ethan. "Sabay na kayo ni Jake," tukoy nito sa kasama niyang cameraman na kasalukuyan nang nagpapahinga sa isa sa mga hotel room ng resort.
"Pero galit sa akin si JD. I have to talk to him. Dapat kasi kasama niya ako ngayon pero sabi mo kasi emergency kaya napasugod tuloy ako rito," naninising sabi niya kay Ethan.
"Hindi ko naman alam na ngayon ang rookie draft, eh," depensa ni Ethan. "You should tell me na may previous plans ka pala."
"Bukas ka na umalis. Kung gusto mo tutulungan ka pa naming magpaliwanag kay JD. I want to meet him, too," sabi ni Tamara.
"All right," napabungtong-hiningang sabi niya at muling sinubukang tawagan si JD ngunit nakapatay pa rin ang cell phone nito.
FRUSTRATED na napabuntong-hininga si JD nang makitang nag-blackout na ang kanyang cell phone matapos niyang ikansela ang pinahanda niyang hotel room sa Monteclaro Hotel. Ngayon ay tuluyan na niyang hindi matatawagan si Daena para ibalita rito na maglalaro na siya sa PBA.
Masama man ang loob niya sa kasintahan, hindi naman niya magawang magalit dito nang lubusan. Ito pa rin ang gusto niyang unang pagsabihan sa lahat ng mahahalagang nangyayari sa buhay niya. Marahil ay importante talaga ang trabahong pinuntahan nito sa Palawan kaya uunawain na lang niya ito. Makakapaghintay pa naman siya para sa proposal na pinaplano niya. Sinabi naman nito na babawi ito sa kanya pagbalik nito at ngayon pa lang ay excited na siya. Daena loved to pamper him during her day offs. Noong high school pa lang sila ay sweet na ito at caring at hindi pa rin ito nagbabago. Her simplicity and determination to get something what he was admiring most about her. At naimpluwensiya siya nito kaya tumino siya hanggang sa tuluyang mahulog ang loob niya rito. Bonus na lang ang kagandahan nito.
Ano kayang maiisip nitong gawin para makabawi sa kanya? Parang sira-ulong napangiti siya kahit nag-iisa. Bigla siyang nakaramdam ng matinding kagustuhan na makita ito at ituloy ang plano niyang pagpo-propose dito sa gabing iyon kahit wala ng preparation. Noon niya namataan si Troy na kausap ang isa sa mga teammates nila na si Chad Esquivel. Lumapit siya sa mga ito. Kasalukuyan silang nasa isang resto-bar na malapit sa Robinsons Place – Manila ng mga oras na iyon kasama ng ilang bago niyang teammates at coaching staffs ng Energy Lightnings. Nagtungo sila roon pagkatapos ng draft para i-celebrate ang opisyal niyang pagsali sa team. Kasama rin niya roon kanina sina Bernard pero nauna nang umuwi ang mga ito matapos ang dinner.
"Bro, alam mo ba kung saan nagbabakasyon ang kuya mo?" tanong niya kay Troy.
"Yup. Sa Palawan. Sa Jason Paradise."
Bahagya pa siyang nagulat sa narinig. "Are you sure?"
"Oo. Nabanggit ni Mommy kagabi during dinner. Do you want me to call my brother to make sure?" tanong pa ni Troy.
"Yes. Please, bro."
Tumalima naman si Troy at inilabas ang cell phone.
BAHAGYA pa lang nakakatulog si Daena nang bigla siyang maalimpungatan dahil sa walang tigil na pagkatok sa hotel room na inookupa niya. Nang tumingin siya sa alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table, nakita niyang alas-onse y medya na noon ng gabi.
"Sino 'yan?" nakakunot ang noong tanong niya. Ngunit wala siyang nakuhang kasagutan pero patuloy pa rin ang pagkatok sa pinto.
Doon na siya nagdesisyong bumangon at buksan ang pinto.
"JD?!" gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. Suot pa rin nito ang asul na long sleeve polo na tinupi nito hanggang siko at slacks na nakita niya sa Twitter na suot nito sa draft kanina minus the dinner jacket.
"Yes, it's me," tipid ang ngiting tugon nito.
"Bakit nandito ka? I mean ngayon ang rookie draft. Dapat nagce-celebrate ka kasama ng bago mong mga teammates at relatives mo, 'di ba?"
"We had a brief celebration then I decided to go here. More than anyone, I want to celebrate this special day with you."
Napangiti siya. "But I thought you're mad at me."
"You know I can't stay mad at you for so long."
"Congratulations!" Yumakap siya rito nang mahigpit.
Gumanti rin ito nang mas mahigpit na yakap sa kanya.
"HOW did you know that I am here?" tanong ni Daena sa nobyo habang nakasandal siya sa dibdib nito. Kasalukuyan silang nakaupo sa couch na nasa verandah ng hotel room. Naririnig pa nila ang alon ng madilim na karagatan. Romantic ang atmosphere ng paligid dahil na rin sa nagkalat na mga lamp post sa resort.
"Kay Ethan. Nakausap ko siya kanina habang nasa resto-bar kami kasama ng brother niya. He explained what happened. Then I decided to go here. Suwerte namang nakasakay pa rin ako sa eroplano kahit na nag-chance passenger lang ako."
Nilingon niya ito at hinaplos ang pisngi nito. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong nandito ka kasama ko."
Ngumiti si JD at mariing hinalikan siya sa mga labi. "I love you, Daena. Now that I drafted in the PBA although I haven't signed the contract yet... will you marry me?"
Bigla siyang humarap ng upo rito. "What? Seryoso ka?"
"Yes. I wanna marry you."
"Are you sure? Ilang buwan pa lang tayo," paalala niya.
"Yes. But right now, I'm in the position that I know what I want and who that I love. I really wanna marry you, Daena. I can't wait to start a family with you." Mula sa suot nitong slacks ay inalabas nito ang isang kahita at kinuha nito mula roon ang isang kumikinang na singsing. "Would you let me?"
Naluluhang sunod-sunod na tumango siya. "Yes, of course. I'll marry you."
Ngumiti si JD. Mabilis na isinuot nito sa kamay niya ang singsing and they sealed it with a kiss.
EPILOGUE
NAPAHINTO sa landing si Daena nang matanaw si JD na hinawakan ang picture frame niya na nakapatong sa ibabaw ng bureau. And then she saw the sweetest thing she ever saw. He kissed her picture when he didn't know she was around. Nagdala iyon ng libo-libong boltahe ng kilig sa kanya.
Ipinagpatuloy niya ang pagbaba sa hagdan at nilapitan ang asawa.
"Hi, sweetie! How was your trip?" nakangiting bati niya rito. Kauuwi lang ni JD mula sa PBA All-Star Weekend na ginanap sa Cagayan De Oro. Halos isang linggo rin silang hindi nagkita nito. It was his first time to participate in the event matapos itong iboto ng PBA fans kaya kahit halos ayaw nitong umalis dahil hindi siya kasama ay pinagtabuyan niya ito.
Nagpakasal sila anim na buwan matapos nitong mag-proposed. At ngayon ay limang buwan na silang kasal. Lots of good things happened to him since he entered in the PBA. Sa unang taon pa lang nito sa professional league as a rookie, he made a decent performance and provided quality minutes off-the-bench that helped his team in winning the grandslam. Mas dumami rin ang mga produktong ini-endorso nito. At nakumbinsi rin niya itong i-exhibit ang mga paintings nito. And it went very well.
Si Daena naman, dalawang buwan bago ang kasal nila ay nagkaroon ng job offer sa cable channel na sister campany ng RPS Network na maging executive producer sa bagong bubuksang programa na isang cooking show. It was supposed to be her biggest break in her career and JD convinced her to accept the job but she refused. Alam kasi niya na mas mababawasan pa ang time niya sa magiging asawa kapag tinaggap niya ang trabaho. She was actually considered quitting in one of her jobs to have more time for each other. Pareho kasi nilang gusto ni JD na magkaroon kaagad ng anak.
Nagulat si JD nang makita siya. "Hey, hindi ka pumasok?"
Binigyan niya ito ng smack sa mga labi nang makalapit. "Hindi. Masama kasi ang pakiramdam ko kaninang umaga."
Lumarawan ang pag-aalala sa mukha nito. Kaagad nitong sinalat ang leeg niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin n'ong tumawag ako? Okay ka na ba? Ano'ng nararamdaman mo?"
"Yes, I'm okay. Hindi rin ako pumasok dahil alam kong ngayon ang dating mo. Magpapasama sana ako sa 'yo sa doktor."
"Okay. Pero akala ko ba okay ka na."
Inilabas niya ang strip na nasa bulsa niya at ipinakita rito. "It's positive. Samahan mo ako sa doktor para makasiguro tayo na magkakaanak na tayo." nakangiting sabi niya.
Namilog ang mga mata ni JD. I'm going to be a father?" halos hindi makapaniwalang tanong nito.
"Yes," naiiyak na tugon niya.
Hinapit siya nito at mariing hinalikan sa mga labi. Niyakap siya nito nang mahigpit pagkatapos.
"I love you so much!" bulong nito sa kanya.
"I love you, too!"
-The End-
PEACH SEVILLA
Thank you for reading! :)