Chapter Eleven

3086 Words
"NA-EXPERIENCE mo rin pala ang na-experience ng school librarian nang mahuli niya tayo dati," biro ni JD matapos niyang ikuwento rito ang puno't dulo ng hindi nila pagkakaunawaan ni Ethan. Batid niyang kayang magtago ni JD ng sikreto kaya walang pagdadalawang isip na sinabi niya rito ang natuklasan niya. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan sa kusina nito. JD was occupying his cousin's unit just one floor above where she was living since yesterday. It was Sunday, tinulungan niya itong ire-decorate ang unit at pagkatapos ay magkatulong silang nagluto ng hapunan nila. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya nang maalala ang nangyari noon. "Heh!" Inirapan niya ito. Sumeryoso si JD matapos uminom ng tubig. "Do you want me to talk to Ethan and convince him that you're telling the truth?" tanong nito. "Huwag na baka pati kayo ay mag-away. Nasabi ko na kay Ethan ang dapat niyang malaman. Wala na akong magagawa kung ayaw niyang maniwala." "I can't believe na magagawa 'yon ni Lance kay Ethan. They were like brothers," napapailing na sabi ni JD. Nagkibit-balikat si Daena. "Anyway, nagkaayos na ba sina Ethan at Tamara bago siya umalis?" curious na tanong ni JD. Hindi niya maiwasang mapangiti sa tanong nito. May pagka-tsismoso rin ito kung minsan. "Hindi nga, eh. I planned to set them up para makapag-usap sila pero kinulang na nang oras dahil bumalik na si Tammy sa London. I hope God would give them a chance to meet again and reconcile. They deserve a second chance." Sumang-ayon si JD. Namagitan ang sandaling katahimikan. "JD, can I ask you something?" kapagkuwan ay sabi niya. "Ano 'yon?" "For those years na magkahiwalay tayo kahit minsan ba ay naisip mo rin ako? Please be honest." Ngumiti ito. "Lagi kitang naiisip, Daena. Hindi ba obvious na lagi kitang tinatawagan?" "I meant noong umalis ka noong high school pa tayo." "Yes," mabilis na tugon nito. "Hindi lang kita basta naiisip. In fact, during college kapag nagbabakasyon ako rito lagi kitang tinatanong kina Ethan at Fran kung may balita sila sa 'yo. I'm so curious on what happened to you. Pero magmula raw nang grumaduate kayo ng high school ay nawalan na kayo ng contacts sa isa't-isa." "That's true." "Until one day, I bumped to our former classmate in Seattle at ang sabi n'ya nag-aaral ka raw sa New York and you were okay." "Sinong classmate 'yon?" "I can't remember her name and even her face." "Six months lang naman ako sa New York. Nag-aral ako ng crash course sa TV production n'on." Tumango si JD. "Nang nalaman ko na okay ka naman pala, huminto na ako sa kakatanong tungkol sa 'yo. I just hoped that one day our paths will cross so I could apologize to you." "I see," tumatango-tangong sabi niya. Anyong may sasabihin ito ngunit hindi natuloy nang biglang may mag-doorbell. "I'm not expecting anybody," sabi ni JD bago tumayo at nagtungo sa front door. Ang pinsan nitong si Bernard at ang asawa nitong si Denise ang dumating. May dalang pagkain at DVD player ang mga ito na siyang kulang sa unit ni JD. Lumarawan ang pagkagulat sa mukha ng mag-asawa nang makita si Daena. "Guys, kilala n'yo na si Daena but I'd like to say she's already my girlfriend," may pagmamalaki sa tinig na sabi ni JD. Lihim na napangiti siya. So it's official, boyfriend na talaga niya si JD. Ang sarap pala sa pakiramdam na marinig iyon mismo sa binata. "I didn't know you two were dating," halatang nasorpresang nakangiti na sabi ni Bernard. "Kahapon lang kami naging official, bro." Magkasunod na bumeso si Daena sa mag-asawa. May bahagya siyang pagkasiwang nararamdaman kay Denise dahil naging boyfriend niya ang kapatid nito. Pero nang magpakita rin ito ng suporta sa relasyon nila ni JD ay kaagad ding iyong naglaho. Kaagad siyang nagdagdag ng plato sa dining area para makasalo nila sa hapunan ang mag-asawa. PAGKATAPOS ng trabaho ay kaagad na umuwi si Daena upang kunin ang traveling bag niya. She was going to Palawan that day. Nakatanggap siya ng phonecall mula kay Tamara noong isang araw. Nasa Pilipinas pala ito at nagbabakasyon sa isang resort sa Palawan kasama ng kaibigan nitong Laura na kaibigan na rin niya. Inimbithan siya nito na magbakasyon din sa resort at pumayag naman siya. Kaagad siyang nag-file ng leave. Tinapos muna niya ang trabaho niya kaya ngayon lang siya makakasunod sa Palawan. Palabas na siya ng unit nang mag-text si JD na nasa parking area na ito. Ito ang maghahatid sa kanya sa domestic airport. Galing ang nobyo niya sa team practice ng Energy Lightnings. Habang wala pang rookie draft ay kinuha muna itong practice player ng team. Tatlong buwan na ang matuling lumipas magmula nang maging opisyal ang relasyon nila. Sobrang thankful siya kay God dahil nagkaroon ng second chance ang pagkakaibigan nila ni JD and now their hearts reunited. Mas nakilala pa nila ang isa't-isa sa pagdaan ng mga araw. Hindi pa rin ito nagbago, madali pa ring magtampo pero madali ring amuhin basta maipaliwanag lang dito ang dahilan ng pagtatampo nito. But the relationship runs smoothly. Ang tiyaga rin nitong maghintay sa kanya kapag ginagabi siya sa trabaho. Kahit pa pagbawalan niya itong sunduin siya ay dumarating at dumarating pa rin ito. Noong nakaraang buwan lang ay magkasama silang umuwi sa probinsiya nila para dumalo sa kasal ng nanay niya at ni Tito Joel. Because of JD's presence and she feel so loved, madali na niyang naibigay ang blessings sa nanay niya sa desisyon nitong pagpapakasal. Masayang-masaya rin ang nanay niya nang malamang boyfriend na niya si JD. Naipakilala na rin siya ng binata sa mga magulang nito bilang girlfriend nito nang magbakasyon ang mga ito sa Pilipinas two weeks ago. "You're so pretty, Daena. But you look familiar, have we met before?" sabi sa kanya ni Mrs. Fortez. JD's mom was already in early fifties, pero hindi halata sa hitsura nito. Maganda pa rin at palangiti. "Mom, remember the girl that I introduced to you in high school that inspired me to be a good person? Si Daena 'yon," sabi nito. Rumihistro ang pagkagulat sa mukha ni Mrs. Fortez ngunit kaagad ding ngumiti. "Talaga? It's nice to meet you again, hija" sabi nito at niyakap siya ng mahigpit. "We finally meet hija. Alam mo bang ikaw ang first girlfriend ni JD," pambubuko naman ni Mr. Fortez. "Dad!" protesta ni JD. "It's true, Daena," segunda ni Mrs. Fortez. Nakakunot ang noong tumingin siya kay JD pero nag-iwas ito ng tingin. "Sinabi mo sa parents mo na nagkaroon tayo ng relasyon noong high school tayo?" tanong niya sa nobyo nang mapagsolo sila. "No," deny nito. "Hindi naman tayo naging official noon, 'di ba?" Tumango siya. "Pero ano'ng ibig sabihin ng parents mo?" "Ang ibig nilang sabihin, in my twenty eight years of existence, ngayon lang ako may ipinakilalang girlfriend sa kanila dahil officially ngayon lang ako nagkaroon ng girlfriend. Ikaw ang first girlfriend ko, Daena," pag-amin nito. "What?" gulat na bulalas niya. "I don't believe you! Sa dami ng nakilala mong magagandang babae sa iba't-ibang bansa. Imposibleng ngayon ka lang nagka-girlfriend." "It's true. Wala namang dahilan para magsinungaling ako." "Kahit flings, MU, wala? Imposible!" "Of course I had flings, may mga naka-MU rin but never na nauwi sa serious relationship. Months lang kasi usually ang tinatagal ko sa isang bansa then lipat na naman. Mahirap mag-maintain ng relationship kapag ganoon kaya hindi ko na rin sila pinursue." Natigilan siya. So iyon pala ang dahilan kung bakit never nitong sinabi sa kanya na gusto siya nito noong hindi pa ito nakakapagdesisyong manatili sa Pilipinas. "So when you decided to pursue me to make it work, you also decided to have a career here in the Philippines?" "Yes." He looked so embarrassed. "Wala na, bukong-buko mo na ako na madly in love ako sa 'yo," pulang-pula ang mukhang sabi nito. Natatawang yumakap siya rito nang mahigpit. Madly in love din naman siya kay JD. Kung noon ay nagawa niyang palayain si Fran dahil naging unfair siya rito. This time she will do anything to keep this man kahit mag-resign pa siya sa isa sa mga trabaho niya ay gagawin niya para magkaroon siya ng mas mahabang oras dito. Nakahanda rin siyang mag-sakripisyo para rito tulad ng ginawa nitong pagsasakripisyo para makasama siya. Matapos mai-locked ang unit dumiretso na si Daena sa elevator bitbit ang traveling bag niya. Dahil abala sa paglalagay ng susi sa sling bag niya, hindi niya nakita si Ethan. Muntik na silang magkabungguan nito. Tulad niya ay pasakay rin ito sa nakabukas na pinto ng elevator. Halos hindi sila nagpansinan ng lalaki nitong mga nakaraang buwan, kung kausapin man siya nito o siya rito ay laging may kinalaman sa trabaho. Naunang pumasok sa loob ng elevator si Daena, sumunod si Ethan. Pinindot niya ang ground floor button. Nagdaan sa kanila ang nakabibinging katahimikan nang sumara ang pinto. "You were right." Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Ethan. "I saw them with my own eyes, nakita ko ang kataksilan nila," namumula ang mukha at nakakuyom ang mga kamaong sabi nito. Kaagad niyang naunawaan ang ibig nitong sabihin. "Oh, Ethan!" "Huwag kang maawa sa akin, Daena. Hindi ko kailangan 'yon," may pait sa tinig na sabi nito. Nang makarating sila sa ground floor ay kaagad na lumabas ng elevator si Ethan. Tinawag niya ang pangalan nito habang nakasunod dito ngunit hindi ito lumingon. Nagtungo ito sa parking lot. Sumakay sa kotse nito at pinaharurot iyon palayo. Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ito ng tingin. "What's wrong?" napalingon siya nang marinig ang tinig ni JD sa likuran niya. "Si Ethan 'yon 'di ba?" tanong pa nito habang nakatingin din sa papalayong sasakyan. "Yes. Nahuli na kasi niya ang affair nina Lance at Celine." "Finally! At least alam na niya ngayon na hindi ka sinungaling," sabi nito at kinintalan siya ng halik sa sintido niya. Kinuha ni JD ang dala niyang bag at sumakay na sila sa kotse nito. "Ang bago mo naman," puna niya nang anyong paaandarin na nito ang kotse. Bahagya pang basa ang buhok nito na halatang kaka-shower lang. Tumawa ito nang mahina. Hindi na niya napigilan ang sarili, ibinaon niya ang mukha sa dibdib nito at sinamyo samyo ang bango nito. They end up kissing for minutes. "Hindi ba talaga ako puwedeng sumama?" tanong ni JD nang nagbibiyahe na sila. "I want to finally meet your cousin personally. Ipapasyal na rin kita sa resort ng lola ko sa Palawan sa Jason Paradise. Alam mo bang doon nagtago sina Ethan at Tamara noong nagtanan sila." "Really? Sinong nagsabi sa 'yo? I have been in Jason Paradise, sobrang ganda doon." "Si Kuya Jay-Jay," tukoy nito sa panganay nitong pinsan. "So, sama na ako?" Mabilis na umiling siya. "Next time na lang, JD. Tamara just invited me. Besides, kailangan mo pang maghanda para sa biometrics. Sa isang araw na 'yon, 'di ba?" "Right." Lahat ng rookie applicants sa PBA Annual Draft ay kailangang sumailalim sa series of workouts na mas kilala sa tawag na biometrics para ma-test ang skills at athleticism ng mga ito. Malaking bagay ang magiging resulta ng biometrics dahil karaniwan nang doon pinagbabatayan ng mga team kung sino sa mga aspiring rookies ang ida-draft ng mga ito. Ginaganap ang biometrics isang linggo bago ang draft day. "Ipapakilala na lang kita kay Tammy pagbalik namin dito sa Maynila. Ikaw ang susundo sa amin sa airport, ha?" "Of course." Nagkuwento si JD nang nangyari sa practice game hanggang sa makarating sila sa airport. "I'm gonna miss you," sabi nito nang ihatid pa siya nito sa departure area. "Balik ka kaagad, ha?" Tumango siya. "I'm gonna miss you, too." Hinalikan niya ito at niyakap nang mahigpit bago tuluyang iniwan. TAHIMIK na tahimik ang loob ng unit ni JD nang pumasok si Daena gamit ang duplicate key na ibinigay nito sa kanya. Pero sigurado siyang naroon ang nobyo dahil nakita niya sa parking ang kotse nito. Bukas din ang lahat ng ilaw mula sa sala hanggang sa kusina palatandaan na naroon ito. JD hated the lights off dahil takot ito sa dilim. Isa iyon sa nadiskubre niya magmula nang tumira ito roon. Tinawanan niya ito nang malaman iyon dahil ang laki-laki nitong tao pero iyon pala ang weakness nito. Ibinaba ni Daena ang dalang bag sa gilid ng couch at dumiretso sa silid ni JD. Awtomatikong napangiti siya nang makitang tila anghel na natutulog ang nobyo niya sa ibabaw ng kama nito nang buksan niya ang pinto. Nakasando lang ito at nakabalot ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan. Ilang minutong pinagsawa niya ang sarili sa pagmamasid sa kabuuan nito bago nagpasyang tabihan ito sa kama. Mabilis namang naalimpungatan si JD sa ginawa niya. "Daena?" bahagya pang dissoriented na bulalas nito. "Yes, it's me." "I thought sa isang araw pa ang balik mo." "Some thing came up kaya bumalik na ako dito sa Manila." "Tinawagan mo sana ako para nasundo kita." "I didn't bother to call you up kasi alam kong tulog ka na." Alas-onse y medya na noon ng gabi. Tulad ng karaniwang atleta ay maaga itong natutulog at kung hindi pa paminsan-minsang niyayayang lumabas ng mga pinsan nito ay hinding-hindi ito makikita sa mga gimikan. Lumalabas lang din ito sa gabi kapag may date sila o kaya naman kapag ginagabi siya sa trabaho at sinusundo siya. His usual routine was going to the gym or basketball practice every morning, and sometimes in a photo shoot or TVC shoot in the afternoon. Kung wala naman itong trabaho ay nagkukulong lang ito sa unit nito at nagpipinta. Marami-rami na rin itong napipinta. Konting pangungumbinsi pa ay mapapapayag na rin niya itong isali sa exhibit ang mga likha nito. "Kahit na. Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita ng makakain." Anyong bababa ng kama si JD pero pinigilan niya ito. "Busog pa ako." "Ano bang nangyari at napabilis ang pagbalik mo?" Inayos nito ang unan sa ulo nito at patagilid na humiga paharap sa kanya. Humugot siya ng hinininga habang inaalala ang nangyari. Dahil doon ay hindi maiwasang muling malungkot. "Nagpatulong kasi sa akin si Tita Bettina para makausap at makasama niya si Tammy. Naawa naman ako dahil miss na miss na niya si Tammy at gusto niyang bumawi sa mga pagkukulang niya. Apparently, sumunod si Tita sa Palawan kasama ng stepsister ni Tammy. And when Tammy found out what I did, nagalit siya sa amin at iniwan kami sa resort. I don't even know where she went, kung bumalik na ba siya rito sa Manila or what. Nakapatay din ang cell phone niya at wala ring balita sa social media kung may nakakita sa kanya. So I decided to come back here." Hinawakan ni JD ang kamay niya at pinisil. "Tamara will be fine. Mababait naman ang mga tao sa Palawan. Walang mangyayaring masama sa sa pinsan mo," sabi nito at hinalikan ang kamay niya. Napangiti siya sa ginawa nito. "Sana nga. Ano'ng nangyari sa biometrics kanina?" "I think I did great. I've missed you." "I've missed you, too." Yumuko ito at matagal na hinalikan ang kanyang mga labi. Pagkatapos ay umayos na ito ng higa. Umunan naman siya sa dibdib nito at pumikit. NAG-IISA na lang sa unit ni JD si Daena nang magising kinabukasan. Pero nag-iwan ng note ang nobyo niya na may early meeting ito para sa bago nitong endorsement. Before lunchtime daw ay nakauwi na ito. Habang kumakain ng niluto nitong omelette para sa kanya ay nagpaplano na siya ng lulutuin para sa lunch nila. Two weeks ago pa magmula ng huling ipagluto niya ito ng paborito nitong Bicol express at ginataang alimango kaya iyon kaagad ang naisip niyang lutuin. May stock ng pork sa refrigerator pero walang alimango at marami ring kulang na ingredients kaya nagtungo siya sa pinakamalapit na wet market matapos maligo. Nang makauwi ay kaagad siyang umabak sa pagluluto. Exactly ten thirty ay pumapasok na sa loob ng unit si JD. Malapit na rin siyang matapos sa pagluluto ng mga oras na iyon. "I knew it magluluto ka ng favorites ko," nakangiting sabi nito. Amoy na amoy sa kusina nito ang niluluto niya. Sa isang kamay ay hawak nito ang isang box ng cake mula sa Frances' na ipinatong nito sa counter bago lumapit sa kanya. "Ang aga mo sa before lunchtime. Natapos kaagad ang meeting n'yo?" "Yes. Endorser na rin ako ng Triple Play," masayang anunsyo nito. Isang kilalang sports apparel and merchandise store sa bansa ang Triple Play na pag-aari ni Ethan, Bernard at isa pang kaibigan ng mga itong si Gabe Yuzon. "That's nice.Congrats!" "Thanks." Mula sa likod nito ay may inilabas itong isang bungkos ng red roses. "For you." Awtomatikong napangiti siya. "Ano'ng okasyon?" tanong niya nang tanggapin niya ang bulaklak. "Wala lang." Hinapit siya nito at hinalikan sa mga labi. Awtomatiko ang naging pagtugon niya. Kaagad lumalim ang halik. Binitiwan niya ang hawak na bulaklak at ipinalibot ang mga kamay sa leeg nito. Binuhat naman siya ni JD at iniupo sa ibabaw ng kitchen table na hindi naglalayo ang mga labi nila. The kissed became much deeper and passionately while he was standing between her legs. Naglikot na rin ang mga kamay nila sa katawan ng bawat isa. Naunang nahubad sa kanya ang suot niyang sleeveless, kasunod ang suot nitong long sleeve na parehong humagis sa kung saan. "Masusunog ang niluluto ko." Naalala niyang sabihin nang buhatin siya nito para dalhin sa kuwarto nito. Walang salitang pinatay muna nito ang gas stove bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kuwarto. Pagpasok sa kuwarto ay kaagad siya nitong inihiga sa ibabaw ng kama. They kissed more intensely. Then he gave her a trail of kisses down to her neck. While he was feasting her skin, his hands were wandering around her body. He was caressing her shoulder, her sides, and her boobs. Later on, he was grinding his maleness against her. All she can do was to moan while caressing his skin, too. She was more than ready for him when he removed all of their clothes off. "Hmm, JD..." She moaned when he entered her. "I never get enough of you, Daena," he said while panting and thrusting. She continued moaning while her eyes were closed and her arms run through his hair. Minutes later. After the heat, she was already on top of him and his arms wrapped around her body. Nginitian niya ito. He smiled back. "I love you," he said and cupped her face and gently kissed her. "I love you. Gutom ka na ba?" "Kinda." "Hindi pa ako nakakasaing," natatawang sabi niya. Natawa rin ito. "That can wait." Then he changed their position. He positioned himself again on top of her and kissed her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD