PATAPOS na ang production meeting ng Today's People nang makatanggap si Daena ng text mula kay Ethan. Ayon sa text ng kaibigan ay kasalukuyan itong nasa coffee shop na nasa ground floor ng TV network na pinagtatrabahuhan nila. Pinapapunta siya nito roon pagkatapos ng meeting niya dahil may importante raw itong sasabihin sa kanya.
Nag "OK" siya rito kahit may sama pa rin siya ng loob sa lalaki. Pagkatapos nga ng meeting ay kaagad nang nagtungo si Daena sa coffee shop. Ngunit sa b****a pa lang ay gusto na niyang umurong nang makitang may iba pang kasama si Ethan sa table bukod dito, si JD. Nakita kaagad siya ni Ethan at kinawayan kaya napilitan siyang lumapit.
"Thanks for coming," sabi ni Ethan na kaagad tumayo at pinaghila si Daena ng silya. Naupo siya at iniwasang tumingin sa direksyon ni JD.
"Hi, Daena," narinig niyang bati ni JD pero hindi niya ito pinansin.
"That's for you," nanatiling nakatayong sabi ni Ethan. Itinuro nito ang isang take-out coffee na nakapatong sa mesa sa harap niya.
"Thanks. So, ano 'yong sasabihin mo, Ethan?" tanong niya.
"Actually, si JD ang may sasabihin." Tumingin si Ethan kay JD. Kaagad niyang napagtanto na sinet-up siya ni Ethan.
"Maiwan ko na muna kayo." Mabilis na dinampot ni Ethan ang iniinom na iced coffee sa ibabaw ng table at umalis. Bago pa makapag-react si Daena ay nakalayo na si Ethan.
"Don't get mad at Ethan, Daena," sabi ni JD. "Nagpatulong lang ako sa kanya para makausap ka. Baka kasi iwasan mo ako."
Pigil ang inis na tumingin siya kay JD. "Bakit naman kita iiwasan?" pagmamaang-maangan niya.
"Because I know you hate me."
Mabuti alam mo.
"Are you talking about the past? Ang tagal na no'n, Jericho. Halos hindi na nga kita naalala," pagsisinungaling niya.
"Pero ako hindi kita nakalimutan pati na ang naging kasalanan ko sa 'yo."
"Really? Kaya pala hindi mo man lang ako namukhaan noong magkita tayo sa Frances'," pa-sarcastic na sabi niya.
"Because you changed a lot. And my mind was preoccupied with something and my cousin was suddenly called that's why I didn't notice you that night."
Hindi siya kumibo.
"I owe you an apology, Daena. Yes, matagal na 'yon but up to now guilty pa rin ako dahil ako ang dahilan kung bakit bumaba ang mga grades mo at nagkarecord ka sa guidance office. And for clarification, wala kaming naging relasyon ni... I forgot her name. Sumama lang ako sa grupo nila during recess dahil nagpa-tutor sila sa akin. And she was just kissed me when you caught us sa tambayan natin. But before that, I already decided to leave before I totally ruin your life. I thought you better off without me. Kaya hindi na rin ako nagpaliwanag sa nakita mo bago umalis. It would be hard for me to leave kaya hindi ako nagpaalam sa 'yo."
Ilang beses siyang umasam na marinig ang paliwanag ni Jericho. She never ever believed it could actually happen. Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo. Tila biglang lumipad sa kung saan ang nabuhay na galit na naramdaman niya nang muli itong makita. "I'm really sorry, Daena," sabi pa nito.
Ilang sandali pa ang lumipas na nakatingin lang siya kay JD. Kapagkuwan ay napabuntong-hininga siya. "All right."
Nanlaki ang mga mata nito sa narinig. "Am I forgiven?" puno ng pag-asang sabi nito.
"Ikaw na rin ang nagsabi, matagal na 'yon. And I'm successful now in my choosen career. What happened before was just part of the past."
Relieved na ngumiti ito. "Thank you, Daena!"
Tumango lang siya at tipid na ngumiti.
MARAHANG itinulak ni Daena ang glass door ng badminton center ng Friend Jungle, isang sports club and fitness center na miyembro siya. May usapan sila ng mga kaibigan niya na magba-badminton ng gabing iyon. Halos dalawang buwan din siyang hindi nakabisita sa lugar dahil naging busy siya sa trabaho at sa paghahanda sa magiging concert ni Tamara. Dahil araw ng Biyernes at ala-sais na ng gabi, hindi na siya nagulat nang madatnang maraming tao roon.
Huminto si Daena sa paglalakad at inilibot ang tingin sa paligid para hanapin ang mga kaibigan. Nakita niya sina Celeste, Digna at Betsy sa isang bench sa gilid ng isang badminton court. Kinakawayan siya ng mga ito nang makita siya. Naglalakad na siya patungo sa mga kaibigan nang mula sa kung saan ay biglang may gumulong na basketball sa harapan niya. Muntik pa niyang matapakan iyon kung hindi kaagad niya naiwasan.
"I'm sorry, Daena," apologetic na sabi ni JD na mabilis na hinabol ang bola.
Bahagya lang siyang nagulat nang makita roon ang lalaki. Batid niyang pinatayo talaga ang sports center para maging tambayan ng circle of friends ng mga pinsan nito at ni Ethan kaya natural na makita rin doon ang lalaki. Magmula nang mag-usap sila ni JD sa coffee shop ilang buwan na ang nakararaan ay noon lang sila uli nagkita nito. Nasa Pilipinas na naman pala ito at marahil ay nagbabakasyon. Kumakailan lang ay nabasa pa niya sa social media ang pagkapanalo ng team nito sa ABL at ito rin ang tinanghal na finals MVP.
"It's okay, hindi naman ako natamaan," kaswal na sabi niya at ipinagpatuloy na ang paglalakad. Kahit na matagal niyang iniyakan ang lalaki ay wala na talaga siyang nararamdaman galit dito. She was actually happy to see him again.
"May feedback na ba si Tamara?" excited na salubong sa kanya ni Celeste nang makalapit siya sa mga kaibigan.
"Yes. She liked your designs. Pumayag siya na 'yong mga designs mo ang isusuot niya sa concert."
Celeste was a fashion designer and younger sister of Robin. Nakilala niya ang magkapatid at naging kaibigan nang makatrabaho niya ang mga ito sa isang event noong college. Noong panahong iyon ay bahagyang nabawasan ang pinapadalang pinansyal na tulong ni Uncle Pete. Bukod kasi sa sinusuportahan din nito ang pag-aaral ni Tamara sa Austria ay nagkaroon ng panibagong pamilya ang uncle niya sa Amerika nang maghiwalay ito at ang mommy ni Tamara kaya kumuha siya ng part-time job. Nagtrabaho siya sa Incredible Concepts na noon ay pinamamahalaan pa ng mommy ni Fran. Nang maka-graduate siya ay suwerteng natanggap siya bilang production assistant sa dating show ng mommy ni Ethan.
Napatili si Celeste. Malaking bagay para sa career nito ang pagde-design ng susuotin ni Tamara.
Inilapag ni Daena ang dalang bag at raketa sa bench matapos makipagbeso sa mga kaibigan.
"Daena, totoo bang naging boyfriend mo si JD Fortez noong high school?" tanong naman ni Betsy.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Saan mo naman nalaman ang balitang 'yan?"
"Kay Ethan, nandito siya kanina. Sabi ko sa kanya ilakad ako kay JD pero hindi raw puwede dahil sa 'yo s'ya interesado."
Napamulagat siya sa narinig. "Ang daldal talaga ng lalaking 'yon! How come he said that? But no, hindi naging kami ni JD," may katotohanang sabi niya. Yes, they admitted their love for each other at the library but they were never become official.
"But obviously, he's interested in you," sabi ni Digna na inginuso pa si JD na kasalukuyang may kausap sa cell phone nito. Naroon pa rin ito sa spot na pinag-iwanan niya rito hawak ang bola at nakatingin nga ito sa kanya. Naramdaman niya ang biglang pag-iinit ng kanyang pisngi.
"Ang haba ng hair mo, girl!" sabi ni Celeste.
Nagbawi na siya ng tingin. "Start na tayo!" pag-iwas niya at inilabas na ang dalang raketa.
NAGTAAS ng tingin si Daena mula sa hawak na cell phone nang biglang may maglapag ng isang box ng pizza sa harap niya.
"Hi! Share tayo," nakangiting sabi ni JD.
"Huh?" nagulat pang sambit niya. Hindi niya namalayan ang paglapit nito.
"Kanina ka pa rito but I never see you eating," sabi pa nito habang inilalapag sa mesa ang dalawang coke in can na nasa kaliwang kamay nito.
Napakunot-noo siya sa narinig. Kanina pa ba siya sinusundan nito ng tingin? Pasado alas-nueve na ng gabi nang matapos sila sa pagba-badminton ng mga kaibigan niya at nauna nang umalis ang mga ito. Tumambay naman siya sa kiosk dahil ka-chat niya sa Skype si Tamara. Marami pa ring tao ng mga oras na iyon. Alas–onse pa naman iyon magsasara.
Bago pa makatanggi si Daena ay nakaupo na si JD sa bakanteng silya sa harap niya. "Sige na, kumain ka na," pamimilit pa nito.
Napabuntong-hininga siya. Walang kibong kumuha siya ng pizza at nagsimulang kumain. Sa kanang kamay niya ay hawak pa rin niya ang kanyang cell phone at patuloy sa pakikipag-chat kay Tamara. Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita niyang kumakain din si JD habang nakatingin sa kanya. Ipinagbukas pa siya nito ng coke at inilagay sa harap niya.
"Kain ka pa," sabi nito nang mabilis niyang maubos ang isang slice ng pizza. Noon niya napagtanto na gutom na pala siya. "Sino ba 'yang ka-text mo at abalang-abala ka?" tanong nito.
"I'm chatting with my cousin in London," aniya at muling kumuha ng isang slice ng pizza.
"Si Tamara ba?" tanong nito.
"Yes. She's going to have a concert here for the first time soon," excited na pagkukuwento niya.
"Really? That's great. I am not a fan of her music genre but I admire her talents. Fan niya ang mommy ko. We watched her concert in Seattle last year."
"Nice," aniya at muling tumipa sa cell phone niya. Nag-goodbye siya kay Tamara nang magpaalam na ito sa kanya.
"I heard naging classmate n'yo s'ya ni Ethan during high school. Bakit hindi ko yata s'ya na-meet?"
Inilapag muna ni Daena ang hawak na cell phone sa ibabaw ng mesa bago sumagot. "Nag-transfer siya sa school noong fourth year high school, wala ka na n'on that time."
"I see. I remember, may kinukuwento ka sa akin noon na pinsan mo from Cebu na very talented in playing musical instruments. Si Tamara ba 'yon?"
Natuwa siya nang maalala pa nito iyon. "Yes, si Tamara nga 'yon. Anak siya ng uncle ko na nagpa-aral sa akin."
Tumango-tango ito. "And how come you end up in TV production? You wanted to be a doctor, right?" tanong pa nito.
"Iyon din ang akala ko. But first day pa lang ng class sa biology, na-realized ko na hindi talaga 'yon ang gusto ko. I didn't see myself working in a hospital all day. I was also reminded that I don't even like going to hospitals so I questioned my self why I was sitting in that class. I wanted to pick a job that I would be willing to do for free. I can watch television all day so I figured I should get a job on TV kaya nag-shift kaagad ako ng course."
"Right."
"How about you?" tanong naman niya. "I never see you playing basketball during high school. How come you end up being a basketball player?"
"Nagkainteres ako sa basketball pagbalik ko noon sa Seattle. Late bloomer na nga kung tutuusin, until one time nang umuwi ako rito sa Pilipinas, nakapanood ako ng championship game ni Troy Escobar sa UAAP. You know him, 'di ba?"
Tumango siya. Si Troy Escobar ang bunsong kapatid ni Ethan na kasalukuyang naglalaro sa isang sikat na team sa PBA.
"Noong nakakita ako ng big crowd, kung gaano fascinated ang mga tao sa basketball, doon nabuksan ang pangarap ko na gusto ko ring maging professional basketball player. Kaya pagbalik ko sa Seattle, nagpursige akong matuto nang husto. And at the same time gusto ko ring maging proud ang parents ko sa akin every time na manonood sila ng game ko especially my dad na mahilig din sa basketball."
"Totoo bang kinukuha ka noon sa Gilas pero tumanggi ka?" pagkumpirma niya sa nabasang write ups tungkol dito.
"Yes. It was in my junior year in college and currently playing for my university when one of the coaches of Gilas talked me for a try out. Sinubukan ko naman. I did great actually. But in the end I had to back off because my mom asked me to finish my studies first and have a degree. Then before I graduated, I got hurt. I had an ACL injury. Then I went in Italy for a rehab after I graduated. I played there eventually. Until PH Patriots got me to play in the ABL."
"How about your modeling career?" tanong pa niya. "Naalala ko dati mahiyain ka at ilang beses mong hindi sinipot ang mga pageant noon sa school. Sabi pa ni Richie, ikaw ang kumontak sa kanya kahit pa tumanggi ka na sa offer niya."
"I do modeling only for print and TVC lang naman. Sports Icon Asia wanted to feature me on their anniversary issue that I can't declained. You knew how glamorous and famous that sports magazine is. May subscription pa nga n'on si Dad. Naisip ko, magugustuhan ng family ko kapag nakita nila ako roon kaya kinontak ko si Richie for that one time deal. Eh, sobrang kulit ng baklang 'yon, hindi ko natanggihan 'yong ibang projects na inalok niya sa akin. I enjoyed doing it naman kaya ayun nagtuloy-tuloy na."
"Pero wala ka namang balak pasukin ang show business?"
Sunod-sunod na umiling ito. "I would rather work in our family business than to enter in show business, Daena."
"I see. Congrats pala sa pagkapanalo ng team mo, at sa award mo."
Ngumiti ito. "Thanks. Paano mo nalaman?"
"Nabasa ko sa Twitter noong mag-trending."
Tumango-tango ito. "Matagal mo na bang kaibigan si Richie?"
"Yes." At pahapyaw na nagkuwento siya sa college days niya kasama si Richie. Nang maubos ang pizza ay doon na naisipan ni Daena na magpaalam.
"Can I take you home?" tanong nito.
"Dala ko ang kotse ko," aniya.
Sabay na silang nagtungo sa parking lot. Inihatid pa siya nito sa kinapaparadahan ng kotse niya.
"Hey, I'm on vacation. Can we go out sometime?"
Napakunot siya ng noo. "Are you asking me for a date?" prangkang tanong niya rito.
"Yes," diretsong tugon din nito. "I guess we have some catching up to do. Kailan ka ba free?"
"I usually busy. And you're just visiting," paalala niya.
"Yeah," bakas ang disappointment sa mukha nito. "I just see you when I see you then."
Tumango siya. "Thanks ulit sa pizza."
"You're welcome. Good night, Daena!" sabi nito at tumalikod na. Sumakay na siya sa kotse niya at umalis.